Default Thumbnail

Most wanted man balik sa kulungan!

August 19, 2021 Francis Naguit 348 views

BALIK kulungan ang itinuturing na 9th Most Wanted Person sa Station Level dahil sa kasong frustrated homicide.

Batay sa arrest warrant, kinilala ang akusado na si Joselito Apdula y Macapreda, 42, walang asawa, pedicab driver at nakatira sa DPWH Compound Punta, Sta.Ana , Maynila.

Inaresto ang suspek sa kahabaan ng Lamayan Street Sta Ana, Maynila alas 12:05 ng madaling araw ng Huwebes.

Sa ulat ng MPD, ang warrant laban sa akusado na inisyu ni Judge Thelma Bunyi-Medina, ng MTC Branch 32, Manila, ay isinilbi ng mga tauhan ng Intelligence Section ng MPD-PS 6 sa ilalim ni PLtCol. Orlando Mirando Jr.

Pinayagan naman ng korte na makapaglagak ng P24,000 piyansa ang akusado para sa pansamantala nitong kalayaan. Francis Naguit & Jon-jon Reyes

AUTHOR PROFILE