Default Thumbnail

Monthly allowance ng mga solo parent, PWDs ipinamahagi na sa Maynila

December 5, 2022 Edd Reyes 291 views

NAGSIMULA ng ipamahagi ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) ang P500 buwanang allowance ng mga solo parents at persons with disabilities (PWDs), araw ng Lunes, Disyembre 5, 2022.

Ayon sa tagapagsalita ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na siya ring hepe ng Communication sa tanggapan ng alkalde na si Atty. Princess Abante, ang inilaang pondo para sa buwanang allowance ng mga solo parents at PWDs ay naibaba na sa bawat barangay nitong Linggo kaya’t ipamamahagi na ito ng araw ng Lunes.

Sinabi naman ni MDSW Director Ma. Asuncion “Re” Fugoso na nasa kabuuang 29,449 na mga PWDs ang inaasahang tatanggap ng tig-P2,500 para sa kanilang limang buwan allowance habang 15,870 namang mga solo parents ang tatanggap ng tig-P3,000 para naman sa anim na buwang allowance.

Aabot sa halagang P19,746,000 ang ipamamahagi ng MDSW sa 6,615 PWDs mula sa District 1; P12,739,000 para sa 4,273 PWDs sa District 2; P9,879.500 para sa 3,339 mula sa District 3; P14,611,500 para sa 4,912 mula sa District 4; P17,346,500 sa may 5,792 PWDs sa District 5; P12,632,500 para sa 4,302 PWDs sa District 6; P6,P578,000 sa 207 mula sa Baseco, Tondo; habang P38,000 ay inilaan naman sa siyam na PWDs na naiwang hindi nakatanggap para sa kabuuang inilaang pondo na P87,562,500.

Idinugtong pa ni Director Fugoso aabot sa kabuuang P53,490,500 ang ipamamahagi sa 3,448 solo parents mula sa District 1; P6,127,500 para sa 1,925 mula sa District 2; P4.710,500 para sa 1,381 mula sa District 3; P9,593,500 para sa 2,912 mula sa District 4; P9,101,000 para sa 2,704 mula sa District 5; P11,103,000 para sa 3,092 sa District 6; at P1,258,500 para naman sa 408 solo parents na naninirahan sa Baseco.

Ang buwanang pensiyon naman ng mga senior citizen, ayon kay Atty. Abante, ay sinimulan na ring ipamahagi ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa ilang distrito sa lungsod na kumakatawan sa buwan ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre, at Disyembre.

Ang P500 buwanang allowance ng mga senior citizen ay ipinamamahagi ng tatlong beses sa isang taon o kada-apat na buwan sa bawat distrito ng Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE