Monteverde family masaya sa ‘forever’ nina Mother Lily at Father Remy
MASAYA na ang Monteverde children dahil magkasama na forever ang mga magulang nila na sina Father Remy at Mother Lily Monteverde.
Ayon sa pahayag ng anak nilang si Roselle, mahal na mahal ng kanilang ina ang kanilang ama. Kaya naman kalilibing pa lamang ni Father Remy ay binawian na ng buhay si Mother.
Samantala, dagsa ang mga mga artista, production people, mediamen at iba pang mga natulungan ni Mother Lily nu’ng nabubuhay pa siya.
Bukas, Biyernes, Agosto 9, ang last night ng wake ni Mother at sa August 10, Sabado, naman ang kanyang libing sa Heritage Park.
NIÑO AT SANDRO BUMALIK SA NBI
GUMAWA na ng aksyon ang GMA Network kaugnay ng dalawang independent contractors na under preventive suspension bunga ng reklamo ng Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa umano’y sexual harassment.
Ayon ito sa interview kay Atty. Annette Gozon-Valdes, na isa ring opisyal ng GMA Sparkle Artist Center at hands on sa reklamo ni Sandro.
Kaugnay nito, nagbalik sa NBI Quezon City ang mag-amang Niño at Sandro upang magsumite ng dagdag pang dokumento sa reklamo.
Ngayong Friday magaganap ang unang hearing. Pero wala pa ring direktang pahayag ang mag-ama kaugnay sa nangyari.