MDR

Monsour, Raffy at Gen. Eleazar, mga ‘Bagong Idol ng Senado’

May 6, 2022 Ian F. Fariñas 327 views

Nagsanib-pwersa sa kampanya ang tatlong senatorial candidates na sina Monsour del Rosario, Raffy Tulfo at Gen. Guillermo Eleazar, tinaguriang mga “Bagong Idol ng Senado.”

Dinumog ang tatlong kandidato sa naganap na grand rally nitong May 5 sa Cauayan, Isabela, hometown ni Tulfo,

Bagama’t maituturing na bagito sa pagka-senador, sina Del Rosario, Tulfo at Eleazar ay kapwa marami nang naiambag sa lipunan. Lahat may track record, may kredibilidad at walang bahid ng korapsyon.

Si Monsour, siyam na taon nang nasa public service. Matapos lisanin ang showbiz, anim na taon siyang nagsilbing konsehal sa District 1 ng lungsod ng Makati, hanggang sa maging congressman mula 2016 hanggang 2018.

Sa tatlong taon niya sa Kongreso ay nakapagtala siya ng 292 House bills and resolutions, kabilang na ang Telecommuting Act o mas kilala bilang Work From Home Law na napakinabangan ng maraming Pilipino nang pumutok ang pandemya noong 2020.

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang mga programa sa radyo at telebisyon, pati na sa kanyang Youtube channel, ay ilang libong ordinaryong mamamayang Pilipino na ang natulungan ni Raffy.

Napatunayan naman ni Gen. Eleazar ang tapang at integridad sa ilang dekadang pagsisilbi sa bayan bilang isang pulis. Taong 2021 nang maabot niya ang pinakamataas na posisyon sa pulisya bilang chief ng Philippine National Police.

Sa kanyang pagtakbo sa Senado, nais niyang ipagpatuloy ang hangaring masugpo ang krimen at paigtingin ang peace and order sa bansa.

AUTHOR PROFILE