Rey Dr. Rey de la Cruz

Mon Confiado sa kaugnayan kay Pepsi Paloma: ‘Isa siya sa nagpatangkad sa akin’

February 17, 2025 Eugene E. Asis 234 views

Pepsi

Pepsi1
Pepsi Paloma

NALULUNGKOT pero ipinapaubaya na lang sa tadhana ng aktor na si Mon Confiado na hindi pa maipalalabas ang pelikulang ‘The Rapists of Pepsi Paloma’ na nauna nang itinakda sa mga sinehan noong unang linggo sana ng February.

Wala namang update ng direktor nito na si Direk Darryl kung maipapalabas pa ba sa mga sinehan ang kanyang bagong pelikula matapos ang naging desisyon ng MTRCB na hingan muna ng kaukulang dokumento ang producer na magpapatunay na wala na itong hinaharap na kaso sa korte.

Nagkaroon nga ito ng problema matapos sampahan ng kasong cyberlibel ng movie at TV icon na si Vic Sotto si Direk Darryl dahil sa diretsahang pagbanggit sa pangalan niya sa teaser ng pelikula na pinagbibidahan ni Rhed Bustamante.

Kilala naman si Mon bilang isang method actor. Kaya naman maraming nakakakilala sa ginampanan niyang papel bilang Dr. Rey de la Cruz ang natuwa (o natawa) nang makita ang kanyang larawan. Tunay nga namang hawig na hawig si Mon sa nasirang Dr. Rey.

Naabutan ba niya ang controversial na talent manager?

“Wala pa ako sa showbiz nun,” ani Mon nang makausap namin pagkatapos ng presscon ng ‘Lilim’ sa Viva Cafe.

Perto inamin niyang tagahanga na raw siya noon ng mga sikat na softdrink beauties na sina Pepsi Paloma, Sarsi Emmanuel at Coca Nicolas.

“Actually, panahon ko yun nu’ng ako’y nagbibinata. Kaya kilala ko si Pepsi Paloma, kilala ko ang Softdrink Beauties.

“Kilala ko rin si Rey dela Cruz, batang Sta. Cruz ako, Quiapo naman si Dr. Rey dela Cruz.

“So, alam ko yung area niya, alam ko… hindi ko alam yung naging issue nu’ng time na yun, pero kilala ko sila,” nangingiting pahayag ni Mon.

Sa katunayan, taga-Maynila raw ang kanyang pamilya noon at malapit lang daw sa bahay nila ang tinitirhan ni Dr. Rey. At sa Mapua siya nag-aaral noon at malapit ang optical shop ng talent manager at barangay captain ng Quiapo noon.

Dagdag pa niya, “Fan ako ng mga Softdrink Beauties. Kilala ko si Coca Nicolas, Sarsi Emmanuelle, of course si Pepsi Paloma.

“Nu’ng bata ako, sila ang kinalakihan ko at isa sa nagpatangkad sa akin,” ang natatawang kuwento ni Mon. Well, it’s a sexual joke na may kinalaman sa puberty stage ng isang lalaki.

Samantala, maganda na naman ang role niya sa ‘Lilim’ na dinirek ni Mikael Red at pinagbibidahan ni Heaven Peralejo.

AUTHOR PROFILE