Moira nagbigay ng official statement

June 4, 2022 Aster Amoyo 149 views

Moira1

Sa kabila ng paglabas ng joint statement ng dating mag-asawang Moira de la Torre at Jason Marvin Hernandez na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ending their three-year marriage at pag-amin ng huli sa kanyang nagawang kasalanan, may iba’t ibang espekulasyon pa ring naglabasan. Kaya minabuti ng singer-songwriter na si Moira na maglabas na rin ng kanyang official statement on her Instagram account.

“For those of you who know my story, you can imagine the long journey of grieving and healing I have ahead of me. The revelations of things that happened over the last two years have been difficult, painful and heartbreaking to process.

“In spite of the pain I’m experiencing, let me set the record straight. While our marriage was not perfect, I have stayed true to my vows and have never cheated on Jason.

“This has not been easy on either of us and our families. I only wish to put an end to the speculations regarding what happened between Jason and I. Though we’re no longer together, it still hurts to see fabricated stories being told about us – most of which are so far from the truth. The both of us still have a long way to go when it comes to healing and we ask for respect during this difficult time.

“I don’t know what the future holds, but hope continues to be the song that I sing. Even in pain-especially in pain-I will continue to place my complete trust in the One who has never let me down.

“My heart, though still navigating this unexpected season, feels full because of all of your comforting messages. To those who are going through the same journey as me, I hear you and send you my love.”

Moira and Jason met in 2012 nung kapwa pa sila estudyante sa De La Salle College of St. Benilde where they both studied Music Production at kung saan nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan na mauwi sa pagiging magkasintahan on February 16, 2017. A year later, the couple celebrated their first anniversary at nung April 2018 ay nag-propose si Jason kay Moira na sinundan ng kanilang pagpapakasal nung January 14, 2019 sa isang garden wedding in Tagaytay. Sa loob ng tatlong taon ay kanilang sini-celebrate ang kanilang wedding anniversary including their third last January 14, 2022.

Last April 2022 ay may naglabasang iba’t ibang espekulasyon na may problema ang pagsasama ng mag-asawa.

On May 31, 2022 sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay naglabas ng official joint statement ang (dating) mag-asawa confirming their separation. Inamin din ni Jason na naging unfaithful siya kay Moira during their marriage pero ito’y kanyang ipinagtapat sa kanyang dating misis na siyang naging mitsa ng kanilang paghihiwalay.

Mas matagal pa ang kanilang pagiging magkaibigan at pagiging magkasintahan kesa sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

The uncouple had their first kiss on their wedding day.

Although nasa stage pa ang dating couple ng healing and moving on, what’s good with Moira now, she’s busy with so many things at kasama na rito ang kanyang pagsusulat ng bagong songs at pagiging isa sa mga hurado ng “Idol Philippines: Season 2” along with Gary Valenciano, Regine Velasquez and Chito Miranda.

Come November 4, Moira will be celebrating her 29th birthday, as a separated wife.

Joey

Direk Joey balik sa paggawa ng sexy films

SA kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na ring bagong movie ng award-winning writer, screenwriter at director na si Direk Joey Javier Reyes sa Vivamax sa pamamagitan ng pelikulang “Secrets” na tinatampukan ng dating beauty queen-turned sexy actress na si Janelle Tee, Denise Esteban, Felix Roco at Benz Sangalang.

Another award-winning director friend na si Joel Lamangan ang nag-convince sa kanya na gumawa rin ng mga sexy-themed movies for Viva Films for Vivamax streaming app at ito ang naging simula ng kanilang muling pag-uusap ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario.

Kung matatandaan pa, si Direk Joey ang sumulat at nagdirek ng pinaka-controversial movie in 2000, ang “Live Show” na tinampukan nina Ana Capri, Daria Ramirez, Simeon Ybarra, Klaudia Koronel, Nikka Valencia, Paolo Rivero at Hazel Espinosa. Since then, nag-focus muna siya sa pagdi-direk ng mga drama, romance, comedy at thriller movies both sa pelikula at telebisyon na siyang nakapagbigay sa kanya ng iba’t ibang parangal bilang manunulat, screenwriter at director.

Well-admired si Direk Joey ng kanyang mga nakakatrabahong artista hindi lamang dahil isa siyang magaling na na writer director kundi magaling itong makisama sa lahat including newbies sa larangan ng acting.

All praises kay Direk Joey ang lead stars ng “Secrets” na sina Janelle, Denise, Felix at Benz.

Ang directorial debut ni Direk Joey sa Vivamax, ang “Secrets” ay matutunghayan na simula sa darating na Biyernes, June 10.

Direk Darryl Vivamax ulit matapos ang Baby M series

MATAPOS maging abala sa BBM-Sara Duterte campaign, balik sa paggawa ng pelikula sa Viva Films ang Vivamax most in-demand writer-director-producer na si Darryl Yap, the director behind the hit movies such as “Jowable,” “Tililing,” “Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar” 1 & 2, “Revirginized,” “Ang Babaeng Walang Pakiramdam,” “Sarap Mong Patayin,” “69 + 1,” “Barumbading” at “Ang Manananggal Na Nahahati ang Puso,” nasa pre-prod siya ngayon sa kanyang comeback movie project in months sa pamamagitan ng “Maid in Malacanang”.

Kung dati-rati’y buwan-buwan ay may bagong palabas na pelikula sa Vivamax si Direk Darryl, ilang buwan din itong nagpahinga sa paggawa ng pelikula para suportahan ang kandidatura ng President-elect na si Bongbong Marcos.

Since tapos na ang halalan at maluluklok na sa puwesto ang kanyang sinuportahang kandidato o mga kandidato (including Sen. Jinggoy Estrada), haharapin naman ng controversial director ang paggawa ng pelikula kung saan siya nakilala.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE