Charo

‘MMK’ ni Charo magpapaalam na

November 22, 2022 Aster Amoyo 443 views

Charo1

TIYAK na malulungkot ang masusugid na mga tagasubaybay ng award-winning and Asia’s longest-running drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” (MMK) hosted by the award-winning actress na si Charo Santos-Concio.

Sa December 10, 2022 na ang huling episode ng MMK, ang programang minahal, sinubaybayan at tinutukan ng milyung-milyong Filipino sa buong mundo sa loob bg 31 taon.

Labis na nalungkot ang mga taong bumuo nito mula sa creative team, directors, writers, researchers, production staff and crew at mga actors na nagsiganap, lalo na ang host nitong si Charo na sa involved mula sa inception nito. If there is one particular program na sobrang malapit sa puso ni Charo ay itong MMK na nagbigay ng iba’t ibang kuwento, inspirasyon at pag-asa sa mga manonood mula sa mga buhay at kuwento ng mga letter senders.

Ipinaaabot ni Charo ang kanyang buong pusong pasasalamat sa ABS-CBN management, sa lahat ng sponsors, creative team – writers, directors, researchers, production people, production crew, lahat ng mga actor na nagsiganap sa iba’t ibang role at higit sa lahat sa mga letter senders na nagbahagi ng kanilang iba’t ibang kuwento at sa mga manonood na sumubaybay sa program.

MMK is the only link Charo has with her former company, ang ABS-CBN na kanyang pinaglingkuran ng maraming taon mula sa pagiging production head hanggang sa pagiging pangulo at CEO ng kumpanya.

When she stepped down as president and CEO (succeeded by Carlo

Katigbak), she was appointed as Chief Content Officer at president ng ABS-CBN University, dalawang posisyon na hindi na rin niya hawak ngayon.

At 67, wala nang dapat pang patunayan si Charo who served the industry over four decades of her life since 1976.

A film producer (of substance), award-winning actress, TV presenter, a passionate leader, Charo will continue to take on her most precious role as a loving and caring wife and mother to Cesar Concio and children Francis and Martin and her adorable grandchildren. Pero ang passion niya sa pag-arte and even producing quality films ay mananatili sa kanyang puso na gusto niyang ipagpatuloy.

Sa Linggo, November 27, isa si Charo sa nominees, along with Alessandra de Rossi, Maja Salvador, Kim Molina at Janine Gutierrez, bilang best actress sa 5th edition ng The Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na gaganapin sa Metropolitan Theatre sa Maynila.

TabernaTaberna1

Ka Tunying balik-telebisyon

SIMULA sa Sabado, November 26 at 5 p.m. to 6 p.m. ay magbabalik-telebisyon ang seasoned radio and TV journalist na si Anthony `Ka Tunying’ Taberna sa pamamagitan ng “Kuha ALL,” isang public service program na matutunghayan sa ALLTV ng bagong Channel 2. Si Ka Tunying ay huling napanood sa isang public service program sa dati niyang home studio, ang ABS-CBN, ang “Tapatan ni Tunying” na nagsimula nung 2013 at nagtapos nung 2019 bago nawalan ng prangkisa ang Kapamilya network.

Palibhasa’y magaling na young broadcaster, buwan lamang ang binilang sa pagiging jobless at agad siyang kinuha sa DZRH bilang isa sa kanilang regular anchors kasama ang longtime radio co-anchor na si Gerry Baja. Two years later ay dumating naman ang alok ng bagong tatag na AMBS ng mga Villar para mag-host ng sarili niyang public service program, ang “Kuha ALL” for ALLTV.

Nasa preparasyon na rin ang kanyang pagiging flag news anchor ng isang nightly news programa.

Although nasa DzRH ang kanyang daily morning program na “Dos por Dos” with Gerry Baja, naging very supportive ang management ng naturang radio station sa pagkakaroon niya ng bagong TV program sa ALLTV.

Ang magandang misis ni Anthony na si Rossel Velasco-Taberna, CEO ng Outbox Media Powerhouse Corporation ang tumatayong line-producer ng “Kuha ALL” who allots three days shoots for the once-a-week public service program.

“Sobrang napakalaki ng papel ng misis ko sa buhay ko,” nakangiting pahayag ni Anthony at the presscon of “Kuha ALL” na ginanap sa Sixty Four Café and Bar in Evia Lifestyle Center in Las Pinas City last Monday, November 21.

“She’s not only a loving and caring wife and mother to our two children na sina Zoey at Helga, she’s also my business partner and head of her own media production. Siya rin ang nag-aayos ng schedule ko pati damit na isusuot ko,” pagmamalaki pa ng hard-hitting radio anchor and TV host.

Kung anuman ang narating ni Anthony sa kanyang buhay ngayon ay una niyang pinasasalamatan ang Panginoong Diyos. Wala umano ang lahat ng kanyang tinatamasang tagumpay ngayon kung hindi dahil sa Kanya. Siya rin ang nagsisilbing shield niya sa kanyang pang araw na gawain kaya hindi umano niya kailangan ang bodyguard sa kanyang mga lakad.

Aminado ang hard-hitting radio commentator at TV host na sanay na rin umano siyang nakakatanggap ng death threats na kasama umano ito sa kanyang occupational hazards.

Si Anthony ay isa ring successful businessman na nasa likod ng matagumpay na Ka Tunyings Café and Restaurant na matatagpuan hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa Tagaytay at Clark Pampanga.

LolitLolit1

Lolit Solis kilalanin ang tunay na pagkatao

KILALANIN ang tunay na pagkatao ng veteran entertainment columnist at talent manager ng maraming stars na si Lolit Solis sa aming exclusive na panayam sa aming online talk show on YouTube, ang “TicTALK with Aster Amoyo” na matutunghayan ngayong Biyernes, November 25 at 12:00 noon.

Likas nga bang salbahe si Manay Lolit o siya ang isang taong gusto mong maging kaibigan kesa kaaway? Saan siya nagsimula at paano siya napasok sa showbiz? Ano ang kanyang connection sa veteran TV host, actor-comedian,painter at singer-songwriter na si Joey de Leon?

Kumusta ang kanyang kabataan maging ang mga kontrobersiyang kanyang pinagdaanan?

Ang lahat ng ito’y isa-isang sasagutin ni Manay Lolit sa “TicTALK with Aster Amoyo” simula ngayong Biyernes ng tanghali.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.

AUTHOR PROFILE