MMFF Parade of Stars

MMFF Parade of Stars naging matagumpay

December 17, 2023 Aster Amoyo 348 views

NAGING matagumpay ang Parade of Stars ng sampung kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival – ang “Penduko,” “When I Met You in Tokyo,” “Firefly,” “Mallari,” “A Family of Two (A Mother and Son Story),” “GomBurza,” “Broken Hearts Trip,” “Becky and Badette,” “Rewind” at “K(ampon)” na ginanap last Saturday, December 16 ng hapon sa CaMaNaVa area ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.

Among the lead stars, tanging ang Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos-Recto lamang ang hindi nakapag-participate dahil may sakit. Pero ang kanyang leading man sa “When I Met You in Tokyo” na si Christopher de Leon and the rest of the cast ng pelikula ay nasa float ng kanilang movie entry.

Ito bale ang kauna-unahang pagkakataon na dumaan ang parada sa KaMaNaVa area na dinagsa ng mga manonood lalupa’t nakita nila ang mga lead stars at cast ng respective movies ng mga kalahok na pelikula.

Magkasama sina Sharon Cuneta at Alden Richards sa float ng “A Family of Two (A Mother and Son Story),” ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa “Rewind” float, si Piolo Pascual and the cast ng “Mallari. Pinangunahan naman ni Alessandra de Rossi ang kanilang float ng “Firefly,” ang mag-best friends na Eugene Domingo at Pokwang sa karosa ng “Becky and Badette,” sina Matteo Guidicelli at Kylie Versoza sa float ng “Penduko” habang si Christian Bables naman ang nanguna sa karosa ng “Broken Hearts Trip”. Present din ang lead stars ng “K(ampon)” na sina Derek Ramsay at Beauty Gonzales, maging ang lead stars ng pelikulang “GomBurZa” na pinangunahan ni Enchong Dee.

Kung dinagsa ng mga tao ang Parada ng mga Artista ng 2023 Metro Manila Film Festival, umaasa ang mga nasa likod ng MMFF maging ang mga producers at mga artistang kasali na sana’y dumagsa rin ang mga ito sa mga sinehan simula sa December 25 araw ng Pasko para suportahan ang sampung pelikulang kasali sa taunang filmfest.

Ang 4th Metro Manila Film Festival ay tatakbo mula December 25, 2023 hanggang January 7, 2024 habang ang taunang Gabi ng Parangan ng MMFF ay nakatakdang ganapin sa New Frontier Theater in Quezon City on December 27.

As early as now ay may kani-kanyang bet o espekulasyon na ang marami as to what movie ang mangunguna sa takilya at kung sinu-sino ang mananalong Best Film, Best Director, Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actor, Best Supporting Actress at iba pang kategorya.

Marami rin ang naniniwala na unti-unti na ring bumabalik ang sigla ng industriya ng pelikulang Pilipino pagkatapos ng pandemic.

Sa gaganda ng mga pelikulang kalahok sa MMFF this year, inaasahan na tatangkikilin ng mga manonood ang ten official entries.

Kathryn at Daniel mahal pa rin ang isa’t isa?

MARAMI ang naniniwala na hanggang ngayon ay mahal pa rin ng nagkahiwalay na magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang isa’t isa na marahil ay na-realize ng dalawa ngayong hiwalay na sila. While they continue to heal and move on with their respective lives, umaasa pa rin ang kanilang mga kaibigan at supporters na muling magkakabalikan ang dalawa.

Kapansin-pansin din kay Kathryn ang maraming pagbabago in terms of her physical look. Bukod sa pagpapakulay ng kanyang hair ng orange, mas naging daring ito ngayon sa kanyang mga kasuotan na bagay naman sa kanya at kaya niyang dalhin.

Hindi man magsalita si Daniel, kitang-kita sa kanyang mga mata na meron pa rin itong pagtatangi sa dating kasintahan.

Pinahanga naman ng dalawa ang kanilang mga taga-suporta sa ipinakita nilang propesyunalismo sa kanilang trabaho nang magkasunod na araw silang magsama sa dalawang magkahiwalay na malalaking okasyon, ang 2023 Christmas Special ng ABS-CBN na ginanap sa Big Dome (Araneta Coliseum) nung nakaraang December 13 kung saan sila nagpaunlak ng duet at sa 2023 Asia Artist Award na ginanap sa Philippine Arena in Bulacan kung saan sila pareho awardee. Hindi magkamayaw ang hiyawan ng audience nang lumabas ang dalawa sa entablado, isang indikasyon na marami pa rin ang nagmamahal sa kanila both individually and as a loveteam at dating magkarelasyon.

Since si Daniel ang itinuturong may `kasalanan’ kaya nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Kathryn, ito ang dapat gumawa na paraan para ma-win back ang dating girlfriend of eleven years.

Meanwhile, tiyak na hindi magiging madali para kina Kathryn at Daniel ang pagsi-celebrate ng Christmas at New Year dahil ito ang okasyon in over eleven years na hindi sila magkasama.

Imelda umaasa na tatangkilikin ng marami ang biopic

HINDI man pinalad ang pelikulang “Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin” na makapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival, umaasa pa rin ang Queenstar Film Productions na pinamumunuan ng mag-inang Imelda Papin at Maffi Papin Carrion na ito’y tatangkilikin ng mga manonood when it hits the theaters nationwide sometime in late January or early February 2024 lalupa’t positibo ang naging reaction ng mga nakapanood na ng pelikula sa tatlong naunang screening ng movie.

Ang first screening ng pelikula ay ginanap sa MOWELFUND Plaza last October na sinundan ng full-house three cinemas red carpet premiere sa SM Megamall nung nakaraang November 29, 2023 kasunod ang matagumpay na block screening na ginanap sa Cinema 3 ng Newport World Resorts (Manila) nung nakaraang Sabado ng gabi, December 16.

Bukod sa nabanggit na mga screenings ng pelikula, marami pang ibang block screenings ang nakatakda sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas maging sa ibang bansa.

“I’m just so grateful sa ating mga mahal na kababayan na sumusuporta sa pelikula kahit hindi pa ito naipapalabas sa mga sinehan,” pahayag ng tinaguriang Jukebox Queen and Asia’s Sentimental Songstress, former politician-turned film producer na si Imelda Papin.

Ang “Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin” na mula sa panulat at direksyon ni Gabby Ramos ay tinatampukan nina Claudine Barretto (in the titular role), Jeorge Ejercito (as Pres. Ferdinand Marcos), Alice Dixson (as First Lady Imelda Romualdez-Marcos), Maffi Papin (as herself) kasama sina Aileen Papin (as Gloria Papin), Blumark, Zac Papin, Kanisha Santos, Hero Bautista, Rez Cortez at marami pang iba.

Ang “Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin” ay tungkol sa naging buhay ni Imelda Papin nung siya’y nasa Hawaii kasama ang deposed former President at dating Unang Ginang.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE