Vic

MMFF entry nila ni VIc surreal para kay Piolo

December 2, 2024 Jun Nardo 145 views

AKMANG-AKMA sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang “The Kingdom” nina Vic Sotto at Piolo Pascual dahil sa nakakaintrigang kuwento nito at setting.

Seryosong Bossing Vic na binago ang kilos at boses niya rito bilang hari ng isang kaharian at hindi mababakas ang pagiging hari ng komedya niya na nagpatingkad sa kanyang showbiz career.

Ang pelikula ang tugon ni Vic sa hiling ng mga anak na gumawa naman siya ng seryosong pelikula. Nakadagdag pa na si Piolo ang co-actor niya kaya wala siyang reklamo nang ginawa ang movie.

Sa pagkasama kay Vixc sa movie, nakita ni Papa P ang pagiging simpatiko nitong comedian at ang pagiging generous nito sa lahat.

“Never kong na-imagine na magsasama kami sa isang movie. Surreal but it’s worth it. But I am still a fan!” deklarasyon ni Piolo.

Pinagbuti naman ni Direk Mike Tuviera ang kabuuan ng movie at hindi niya ni-reveal kung paano ang pagkikita sa movie nina Vic at Piolo.

“Ayokong ma-spoil pero talagang mangingilabot kayo sa pagkikita ng dalawa. I am proud of this film!” saad ni Direk Mike.

Kasama rin sa movie sina Cristine Reyes, Sue Ramirez, Sid Lucero, Nico Antonio at marami pang iba.

PALABAN SA PAGPAPAKITA NG PUWET

HINDI na bago sa aktor na si Topper Fabregas ang BL movie. Nakagawa na siya nito kaya naman nu’ng i-offer sa kanya ang “My Boyfriend is a Sex Worker” at tanungin kung kaya niya magpakita ng puwet, sagot niya, “Interested ba sila sa butt ko?”

Pero tinanggap din ni Topper ang movie. Naaalala namin siya sa “Lost Recipe” series ng GMA na inilabas noong pandemic.

Mapapanood sa VMX Plus this December 6 ang “My Boyfriend is a Sex Worker.”

AUTHOR PROFILE