Marijuana Makikita sa larawan ang may 1.2 kilos ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.2 million na nasabat sa isang parcel sa J&T Express Dasmarinas Branch na nakasingit sa mga damit na ukay-ukay na inorder online noong September 8, 2021. Kuha ni DENNIS ABRINA

MJ nadiskubre sa parcel matapos umalingasaw

September 9, 2021 Dennis Abrina 667 views

DASMARIÑAS, CITY, Cavite – Dahil sa alingasaw, nagduda ang mga empleyado ng J&T Express sa naturang lungsod sa laman ng isang malaking parcel na nakatakdang ideliver sa isang lugar dito, Miyerkules ng hapon.

Balot balot na marijuana ang nadiskubreng laman ng isang parcel na nakasingit at isiniksik sa mga damit na ukay-ukay na ibinenta online.

Sa nakalap na paunang report ng pulisya, 2 p.m.habang nag-aayos ng mga parcel ang ilang empleyado ng J&T Express Dasmarinas Branch nang umalingasaw umano ang kakaibang amoy.

Agad nila itong hinanap sa bawat parcel hanggang sa matunton nila sa isang malaking box .

Siniyasat pa nila ito at ng kanilang timbangin ay iba din ang lumabas na kilo ng nasabing box.

Dahil sa kaduda dudang bigat at amoy ng nasabing parcel, agad silang tumawag sa PDEA 4-A upang i-report ang insidente.

Pagdating ng mga PDEA-Cavite sa J&T Dasmarinas Branch , dala ng mga ito ang sniffing dog at sinimulan ang pag-imbestiga.

Isang box ang nadiskubre ng sniffing dog na kahina hinala kung saan ito din ang box na pinagdududahan ng mga empleyado .

Agad na binuksan ang nasabing parcel at dito tumambad ang mga balot na balot na marijuana.

Galing sa isang nagngangalang Ethan David Gabriel ang nasabing parcel na pansamantalang hindi muna ipinaalam ng pulisya kung kanino ito nakatakdang ideliver hinggil sa isasagawang follow-up operation.

Umabot sa may 1.2 kilo ng marijuana at mga buto ng marijuana na nagkakahalaga ng P1.2M ang nadiskubre sa nasabing parcel .

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng follow up operation ang pulisya.

AUTHOR PROFILE