Default Thumbnail

Miyembro ng Milisyang Bayan; 35 NPA supporters sumuko sa Quezon

January 7, 2023 Zaida I. Delos Reyes 248 views

SUMUKO sa mga awtoridad ang isang miyembro ng “Milisyang Bayan” at 35 pang taga-suporta sa “underground movement” ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay San Rafael, Lopez, Quezon province nitong Biyernes ng hapon.

Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) IV-A, sumuko ang mga kapanalig ng NPA dakong 1:30 ng hapon sa tulong ng 2nd Quezon Police Mobile Force Company (QPMFC) sa ilalim ng superbisyon ni P/Col. Ledo Monte at Army’s 85th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno naman ni Lt. Col. Joel Johnson.

Naging instrumento rin sa pagsuko si San Narciso Mayor Flarabelle Uy-Yap at maging ang Narciso Municipal Police Station (MPS).

Nakilala ang sumukong Milisyang Bayan member na si alyas “Barbie” habang ang 35 supporters ng NPA mula sa limang barangays ng bayan ng San Narciso.

Nabatid na ang nasabing mga supporters ng NPA ang tumutulong umano ang mga ito sa armadong pakikibaka laban sa pamahalaan.

Ayon sa mga nagsisukong sympathizers, nais na nilang magbagong-buhay kaya sumuko sa pamahalaan matapos na mapagtanto na “mali” ang kanilang pagpanig sa mga rebelde.

Isinailalim na sa masusing dokumentasyon ang mga sumuko habang si Barbie naman ay patuloy na sumasalang sa tactical interrogation ng militar.