suspek Binabasahan ng mandamiento de aresto ang suspek na nadakip sa Lungsod Quezon. Kuha ni JON-JON REYES

Miyembro ng ‘Mendoza crime gang’ tiklo sa MPD

April 11, 2023 Jonjon Reyes 251 views

ISANG mapanganib na miyembro umano ng “Mendoza Crime Gang” ang inaresto ng mga tauhan ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District (MPD) matapos ihain ang warrant arrest laban sa suspek sa Quezon City, Martes ng hapon.

Ayon kay “The Game Changer General” MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, ang suspek ay pawang residente ng Tondo, Maynila.

Sa ulat ni P/Capt. Rufino Casagan, hepe ng DPIOU, bandang alas-2 ng hapon ng madakip ang suspek sa panulukan ng Quezon Memorial Circle at Visayas Avenue.

Ang suspek ay sangkot umano sa mga nakawan at holdapan sa QC.

Matagumpay na natugis ang suspek sa direktiba ni Dizon na “Manhunt Charlie” at “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations” (SACLEO) ng MPD.

Ang arrest warrant ay isinilbi ni P/Capt. Veronica Apresurado, assistant chief ng DPIOU, mga tauhan MPD Police Station 5 sa ilalim ni P/Col. Samuel Pabonita, hepe ng District Intelligence Division 1 ng MPD.

Inirekomenda na walang piyansa sa kasong pagnanakaw ang warrant of arrest ng suspek na ibinaba ni Judge Rechie N. Ramos-Malabanan, MeTC, Branch 46, Pasay City noong Nob. 4, 2022.

AUTHOR PROFILE