Daveara

Mister ni Ara, may sarili nang fans

November 13, 2021 Ian F. Fariñas 494 views

Hindi mapirmi si Ara Mina sa kanilang bahay kasama ang asawang si Dave Almarinez dahil sa dami ng proyekto.

Puro lock-in taping ang aktres sa malalayong probinsya dahil sa mga natanguan nang mga project.

Pero natutuwa ang actress-entrepreneur na wala man siya sa piling ni Dave ay updated naman siya sa mga ganap nito sa Laguna.

Pinagkakaguluhan kasi si Dave ng kanyang mga constituent sa pag-iikot niya sa San Pedro kahit hindi kasama ang FPJ’s Ang Probinsyano star.

Kuwento ni Ara, “Lagi akong nasa lock-in pero may mga nagpi-PM sa akin ng mga video kung saan makikita ang sigawan ng mga tao tuwing dumarating siya sa lugar nila.

“Sabi nga nu’ng iba, artista na rin daw ang asawa ko. May fans na rin kasi siya, hahaha.”

Napansin din daw niya na may nagpu-post ng mga lakad ni Dave sa Laguna sa social media na may hashtag pang #TeamDarve.

Si Ara ang nag-coin ng Team Darve (Dave-Ara-Dave).

So, lumalabas na may local na loveteam na nabuo.

In fairness, artistahin na rin naman si Dave, ’no, na tumatakbo sa pagka-congressman ng San Pedro.

AUTHOR PROFILE