Mister ng isang diva nakitang naaagnas

November 15, 2021 Melnie Ragasa-limena 109 views

NADISKUBRE ang naaagnas na katawan ng isang American citizen na sinasabing mister ng isang diva sa loob ng condo unit nito sa Quezon City, nitong Linggo ng hapon.

Ang biktima ay 58 anyos na American Citizen, entertainer.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-2:45 ng hapon (November 14), nang madiskubre ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng kaniyang silid sa condo unit nito.

Batay sa imbestigasyon ni PSSg Anthony Tejerero ng CIDU, ang insidente ay nadiskubre ng kaniyang misis.

Pumunta umano ang misis sa condo unit nilang mag-asawa kasama ang kaibigan na nakilalang Maria Rosalie.

Subalit pagbukas umano ng pinto ng condo ay umalingasaw ang masansang na sa loob at nang puntahan ng diva ang silid ng mister ay bumungad sa kaniya ang nakabulagtang asawa na may nakatali sa leeg na itim na microphone cord.

Nakasamsam naman ang SOCO Team sa pamumuno ni PMaj. Jospeh Infante ng safety box na umanoy naglalaman ng suicide note pero hindi idinetalye ang nilalaman ng sulat dahil isasailalim pa ito sa imbestigasyon.