Default Thumbnail

Mister iniwan ng ka-live in, nagbigti

December 6, 2021 Francis Naguit 409 views

SOBRANG hinagpis ang nagtulak para tapusin umano ng isang 39-anyos na mister ang kanyang buhay Linggo ng umaga sa Binondo, Manila.

Ayon kay Manila Police District-Director P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco ang nasabing mister ay taga-Delpan St.

Base sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng MPD- Homicide Section, bandang 8:30 ng umaga, nang matagpuan ang nasabing mister ng kanyang kapatid na nakabigtim mula sa kable ng kuryente sa sa ikatlong palapag ng bahay

Sa initial na report ng pulisya , dakong 7 a.m. nag-almusal ang mister. Ilang minuto pa ang lumipas nang pumasok ito sa silid. Naisugod pa ito sa Jose Abad Santos General Hospital, subalit idineklara itong dead on arrival ni Dr.Crisanto Tomines.

Ayon sa ama ng biktima, may ilang buwan na umano ang nakakaraan nang lisanin ng biktima ang kanyang bahay sa Parola Compound sakop ng Tondo, dahil sa umano’y may relasyon sa ibang lalaki ang kanyang kinakasama.

Dahil dito, napilitang umuwi ang nasa ing mister sa kanyang ama.

Simula noon palagi na lamang umanong lutang ang isip ng biktima. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE