Monreal NAIA General Manager Eddie Monreal

Mission accomplished si NAIA GM Monreal

June 10, 2022 Jun I. Legaspi 498 views

Jun LegaspiMISSION accomplished! Ganito taas noong inilarawan ng mga kawani, kakilala at colleagues si Ninoy Aquino International Airport (NAIA) General Manager Eddie Monreal.

Sa lahat ng mga attached government agencies, airline companies, colleagues, mga businessmen partners, employees, hanggang sa rank and files na sumailalim sa leadership ni GM iisa lang ang isinisigaw nila: MISSION ACCOMPLISHED!

Maging ang mga media personnel (print, radio at TV) na nakasama ni GM sa nakalipas na mga taon sa kanyang panunungkulan walang itulak kabigin. Totoo, maraming mga challenges na dumating sa NAIA pero nakita at naipamalas ni GM ang kanyang experience, brilliance, wisdom, humility.

Ang pinakaimportate sa lahat, nabigyan niya ng tamang decision ang mga problema para sa kapakanan ng lahat, lalo na ng mga PASAHERO.

Sa kwentuhan nga namin ng kapatid natin sa media (Raoul Esperas) sa halos tatlong dekadang coverage nito sa NAIA, talagang maipagmamalaki ni President Rogrigo Roa Duterte at DOTr Secretary Art Tugade ang mga remarkable accomplishments ni GM sa pagpapatakbo nito NAIA.

Ika nga ni “Nyor Raoul,” ang NAIA ay window ng ating bansa at dahil sa leadership at magagandang programang naipatupad at ipinatutupad ni GM Monreal muling naitaas nito ang antas ng quality ng serbisyo ng NAIA kasama ang lahat ng mga attached agencies ng gobyerno lalo na ang mga tauhan ng Bureau of Immigrataion.

Sa nakalipas na mga taon mahusay na naipatupad ni GM Monreal ang kanyang mandate primarily ng hindi ikinokompromisyo ang kaligtasan ng mga pasahero at mga personnel na nagtratrabaho sa NAIA at paligid nito.

Ginawa rin ni GM Monreal na maging world class business destination ang NAIA.

Tuwirang sinalungat ng lahat ng mga kaagapay ng NAIA sa lahat ng level ng komunidad, empleyado, negosyante, restaurant, biyahero, pasahero lalo na ng mga papaalis at mga parating na OFWs ang napaulat na nahuhuli ang NAIA kung business class destination ang pinaguusapan.

World class service business destination ang NAIA sa ilalim ni GM Monreal, diba nyor Raoul?

Isang malinaw na resibo dito ay ang nakalipas na dalawang tao ng pandemic. Naipakita ni GM Monreal ang husay talino, karanasan niya upang umangat muli ang
industriya, turismo at tiwala ng mga negosyante.

Kaya nga ang usap-usapan sa apat na sulok ng DOTr, kung posibleng manatili sa pwesto si Art Tugade bilang Secretary, malamang sa malamang dapat din manatili sa pwesto si GM Monreal. Sabi nga ng maraming RESIBO ni GM nagpapatunay ng kanyang mahusay na track record sa pagpapatakbo ng NAIA.

Ani ng mga observer hanggang si GM Monreal ang head ng NAIA makatitiyak ang publiko, nasa mahusay at magandang pangangalaga ang NAIA bilang window ng bansa.

——————

Gusto nating ipaabot ang ating pasasalamat sa mga kabaitan na ipinakikita ng AirAsia, Philippine Airline at Cebu Pacific. Sa inyong lahat mga Nyor, Kuyang at Ateng sa Airline at Aviation Industry, Ricky Isla, Steve Dailisan, Carlo Carongoy, Ray Berja, Dallen Villanueva, Tricia Terada, at Kevin Samonte (AirAsia Family) Spokesperson Miss Cielo Villaluna (Philippine Airline) at Carmina Romero (Cebu Pacific).

Sa inyong lahat MABUHAY! (jilegaspi@yahoo.com)

AUTHOR PROFILE