
Missing salawal
HINAHANAP nga ng kanyang social media followers ang tila nawawalang salawal ng Vivamax singer-actress na si Yen Durano.
Tila hubo kasing nadatnan ng netizens ang sexy star sa isa sa kanyang Instagram post.
Makikita sa mga larawan ang pak na pak na palabang awrahan ni Yen. Kabogera ang pag-awra niya sa camera habang idini-display ang hindi maipagkakailang ganda nito.
“Better days are [on the way],” saad niya sa caption ng nasabing IG post.
Hindi lang kariktan ng hot actress ang namataan sa post, napanganga rin ang netizens sa killer body niya.
May suot mang backless tank top si Yen, hot na hot naman siya sa suot na black panty. Nag-hello ang juicy hips nito at perpektong hubog ng bewang.
Walang duda, totoong-totoo ang bangis ng pagkababae niya dahil naalog ang sangkalalakihan sa patakam niyang ito.
“Nasaan na ang salawal mo?” ang pabirong hirit ng kanyang social media followers sa comment section. Pinusuan nila ang kabogerang yumminess overload ni Yen sa larawan.
Bukod pa sa mga bago nitong proyekto, nakilala rin si Yen sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Litsoneras (2023), Baby Boy, Baby Girl (2023) at Patikim-Tikim (2023).
Ang character actor na si DJ Durano ang ama ni Yen.