Carriedo AT LAST–Masayang sinundo ng kanyang mga kamag-anak ang nawawalang doktor sa himpilan ng Plaza Miranda police sa Carriedo St., Sta. Cruz, Manila. Kuha ni Jon-Jon Reyes

Missing doctor natagpuan sa Carriedo

February 23, 2024 Jonjon Reyes 1098 views

NATAGPUAN na si Dr. Jose “Jay” Ambalada, 73, ang doktor na matagal ng nawawala, noong Huwebes sa Carriedo St., Sta. Cruz, Maynila.

Ini-report noong Peb. 4, 2024 na nawawala ang doktor sa Plaza Miranda Police Community Precinct.

Umabot hanggang sa Lawton at Intramuros, Manila sa kanilang paghahanap ang mga pulis pero bigo silang makita ang doktor.

Nalaman na siya ang nawawalang doktor ng tanungin ni Capt. Rowel Robles, commander ng Plaza Miranda police, ang isang security guard na may pinapaalis na isang lalaki mula sa binabantayan nitong mall.

Tinanong ni Robles ang pangalan ng pinapaalis na lalaki na sumagot ng “Jay.” Doon na napaisip si Robles kung siya nga ang hinahanap na nawawalang doktor.

AUTHOR PROFILE