
Missed me?
PASABOG ang comeback post ni social media personality Nicole Ann Barot matapos niyang ibalandra ang kanyang mapang-akit na katawan sa isang mirror selfie.
Suot ang nagliliyab na orange bikini, tila nang-aakit si Nicole sa kanyang caption na “Missed me?”— at base sa reaksyon ng netizens, hindi lang siya na-miss, hinanap-hanap pa!
Agad na umapaw ang comment section sa samu’t saring mapanuksong reaksyon mula sa fans. “So so beautiful and super bod,” sigaw ng isang wild na tagahanga. May ilan pang hindi napigilan ang kanilang pagpapantasya: “Deeeyyyyuuuuummmmm” at “ayun ang sarap!”
Bukod sa kanyang pasabog na katawan, napansin din ng marami ang kanyang glowing aura at confidence na pang-reyna. Kaya naman, ilang oras matapos ang post, laman na ito ng usap-usapan na ang naturang post.