
Miss World QC candidates game sumabak sa showbiz
PORMAL nang ipinakilala sa press kamakailan ang sampu sa 16 candidates ng Miss World Quezon City na nakatakdang ganapin sa Novotel Hotel, Araneta Center, sa April 5.
Sampu lamang ang nakarating dahil ang anim ay may klase noong araw na ’yon, ayon sa franchise director na si Jeannie Jarina.
Isa-isa ngang rumampa sa harap ng showbiz press sina Primrose Ivy Suarez ng Barangay Litex Commonwealth, Cherline Dalangin ng Barangay Bagbag, Jasmin Rivera Lee of Barangay Payatas B, Ericka Saldivar ng Barangay Central Alberta, Anabela Solasco ng Barangay Lupang Pangako Payatas, Ashley Nicole Fernandez ng Barangay Empire Payatas, Shane Denise Ganate ng Barangay Sto. Cristo, Angelika Triumfante ng Barangay Novaliches, Asia Rose Simpson ng Barangay Socorro at Jalila Maranan ng Barangay Matandang Balara.
Ngayon pa lang ay aminado ang mga kandidatang ito na game silang sumabak sa show business sakaling mabigyan ng pagkakataon pagkatapos ng pageant.
Ang title winner ng Miss World Quezon City ay lalahok sa Miss World Philippines National competition bilang ito ay franchise organization ng Miss World Philippines na pinangungunahan ng national director/talent manager na si Arnold Vegafria.
Ani Jeannie, “We will support the winner all the way, hanggang international. We are aiming for the international crown.”
Wish din niya na makuha ang suporta ng Quezon City government at makipag-collaborate rito sa pagsu-showcase ng cultural at heritage places ng lungsod.
Ang Miss World QC winner ay tatanggap ng P100,000 cash prize habang ang runner-up ay mag-uuwi ng P50,000 at ang princesses ay magwawagi naman ng tig-P25,000.