Default Thumbnail

Miss Universe Philippines candidates mga bago at luma, nanay na ang isa

February 18, 2025 Aster Amoyo 211 views

ANG 2013 Miss Universe 3rd runner-up na si Ariella Arida ang pinakabagong National Director ng Miss Universe Philippines (MUPH) franchise. She took over the position of 2011 Miss Universe 3rd runner-up na si Shamcey Supsup-Lee who filed her candidacy as an independent councilor sa 1st district ng Pasig City.

Alam ng dating beauty queen-turned actress na hindi madali ang responsibilities ng National Director for Training and Development ng MUPH candidaes pero gagawin umano niya ang lahat ng kanyang makakaya na mabigyan ng magandang representation ang Pilipinas sa taunang Miss Universe competition.

Si Ariella ay formal na in-announce as the new National Director ng Training and Development ng MUPH during the press presentation ng 69 candidates ng Miss Universe Philippines na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel last February 15.

Among the 69 candidates, marami sa mga ito ay repeaters at nagmula sa iba’t ibang beauty pagents tulad ng kauna-unahang Reina Hispanoamericana winner nung 2017, ang actress-beauty queen na si Teresita Ssen ` Winwyn’ Marquez, ang 2023 Miss Earth-Air na si Yllana Marie Aduana, ang 2024 Miss Universe Philippines 2nd runner-up and Miss International 2018 1st runner-up na si Ahtisa Manalo at ang Miss Globe semi-finalist na si Chelsea Fernandez maging ang 2019 5th runner up ng Reina Hispanoamerica na si Katrina Llegado. The rest are fresh candidates.

Ang 2025 Miss Universe ay nakatakdang ganapin on November 21, 2025 sa Impact Muong Thong Thani Arena in Bangkok, Thailand.

Among the candidates na si Winwyn ay may almost three-year-old daughter na si Luna Teresita Rayn sa kanyang non-showbiz partner.

EA at Shaira handang handa na sa kasal

`TAONG 2021 pa engaged ang magkasintahang Edgar Allan (EA) Guzman at Shaira Diaz pero recently lamang nila ito inamin sabay announce ng kanilang August 2025 wedding.

It was in 2013 nang maging magkasintahan ang dalawa at kamakailan lamang ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang 12th anniversary and last bilang magkasintahan bago nila harapin ang buhay may asawa.

Sa twelve years nila bilang magkasintahan, they practice sexual abstinence until they get married.

Bukod sa pagiging kapwa Kapuso, sina EA at Shaira ay pareho ring brand ambassadors ng Beautederm ni Rei Anicoche-Tan na inaasahan ding magiging isa sa mga tatayong principal sponsors sa kasal ng dalawa.

Si EA ay produkto ng 2006 “Mr. Pogi” contest ng “Eat Bulaga” na siya ring pinagmulan ng singer-actor na si Jericho Rosales habang si Shaira naman ay nagmula naman sa talent reality competition na Artista Academy ng TV5. Sa TV5 sila nagkatagpo ni EA hanggang maging sila.

Sina EA at Shaira ay parehong contract talents ng Sparkle GMA Artist Center.

Dennis at Jennylyn puspusan ang ensayo

ACTION-drama ang tema ng bagong seryeng pagtatambalan ng mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado kaya ngayon pa lamang ay nagi-ensayo na ang couple sa gunfiring at action stunts in preparation sa kanilang bagong gagampanang papel. Pero bago ito ay mapapanood muna ang mag-asawa sa pelikula, ang rom-com na “Everything About My Wife” kung saan nila kabituin si Sam Milby. Ito’y pinamahalaan ni Real Florido at joint production ng CreaZion Studios and GMA Pictures.

Speaking of the couple, hinding-hindi makakalimutan ng mag-asawa ang kanilang civil wedding nung November 15, 2021 na ginanap sa TGIS Studio ni Kathryn Bernardo in Quezon City. Nang hingin ng officiating judge ang ring, naibigay ni Dennis ang isang ring box na walang laman. Mabuti na lamang at hindi kalayuan ang wedding location sa kanilang bahay kaya ipinakuha ang bag ni Jennylyn kung saan naroon ang ring box na naglalaman ng singsing. At that time ay ilang buwan na ring buntis si Jennylyn sa kanilang first baby ni Dennis.

The couple’s daughter na si Dylan Jayde ay isinilang nung April 2022 and turning 3 sa darating na Abril. Bago naging mag-asawa sina Dennis at Jennylyn ay meron na silang tig-isang anak na lalake sa kanilang respective previous partners – si Alex Jazz anak ni Jennylyn sa actor na si Patrick Garcia at si Calix Andreas na anak ni Dennis sa dati nitong kasintahang beauty queen-actress na si Carlene Aguilar. Sina Alex Jazz at Calix Andreas ay pareho nang teen-ager at parehong masaya sa pagkakaroon nila ng baby sister na si Dylan.

Samantala, nagpahayag naman ang dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar ng paghanga sa misis ni Dennis Trilo na si Jennylyn dahil parang sariling anak din ang turing nito (Jennylyn) sa kanyang anak na si Calix at ganundin naman si Dennis sa panganay ni Jennylyn na si Alex Jazz.

Si Calix ay nahihilig ngayon sa fencing na suportado ng kanyang parents maging ng kanyang step-mom na si Jennylyn.

Slater at Kryz nag-celebrate sa Turkey, iniwan ang mga anak

COUPLE Slater Young at Kryz Uy celebrated their 6th wedding anniversary in Cappadocia, Turkey leaving their three sons behind sa tulong ng kanilang in laws.

Slater, 2012 Pinoy Big Brother: All In Big Winner, had a brief relationship with singer and stage actress Rachelle Ann Go bago nito naging kasintahan at pinakasalan ang author-blogger na si Kryz Uy. The couple got engaged nung February 8, 2018 and married on February 17, 2019 sa Shangri-la’s Mactan Resort and Spa in Cebu City. Ang kanilang panganay na anak na si Scott Knoa ay isinilang nung June 2, 2020 na sinundan ng kanilang second son na si Sevi nung May 25, 2022. Ang kanilang third at bunsong anak na si Saxon ay isinilang naman nung June 23, 2024.

Masaya ngayon ang buhay ng mag-asawang Slater at Kryz in Cebu kung saan sila naka-base at kung saan naroon ang pamilya at negosyo ng dating PBB Big Winner.

Ang mga naging lalaki sa buhay ni Rachelle Ann bago si Martin

MASAYA na ring namumuhay ngayon sa London ang mag-asawang Rachelle Ann Go at ang kanyang American husband na si Martin Spies kasama ang kanilang dalawang anak – a boy and a girl na sina Lukas Judah ( almost 4 this March) at Sela Teruah (almost two also this March)

Bago nakilala ni Rachelle Ann ang kanyang husband na si Martin in New York nung 2017 habang siya’y nagtatanghal sa Broadway sa rerun ng “Miss Saigon,” the singer-actress was in a previous relationship with Slater Young, John Prats, Gab Valenciano and singer and stage-play actor Christian Bautista.

Buntis si Sarah, fake news

FAKE news lamang pala ang balitang buntis na umano ang Pinoy Pop superstar na si Sarah Geronimo courtesy of her husband na si Matteo Guidicelli.

Ngayong February 20 ay 5th anniversary na ng celebrity couple bilang mag-asawa pero hindi pa rin sila nabibiyaan ng anak hanggang ngayon. Pero naniniwala ang mag-asawa na ibibigay ito sa kanila ni Lord in His own perfect time.

Matteo is turning 35 sa darating na March 26 habang si Sarah naman ay magti-37 on July 25.

Umaasa rin ang kanilang mga tagahanga na magkaroon ng anak ang couple.

Marami na sana ang natuwa nang mapabalitang nagdadalang-tao na umano si Sarah pero hindi pala totoo.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE