Default Thumbnail

Mismong Bicol region hindi maso-solid ni Leni Robredo!

February 14, 2022 Marlon Purification 660 views

Marlon PurificationVIRAL agad sa social media ang Tutok Erwin Tulfo weekend edition ng multi-awarded broadcast journalist na ini-ere sa PTV4.

Tungkol ito sa ilang kamag-anak ni Leni Robredo na hayagang nagpahayag na hinding-hindi na nila susuportahan ang kandidatura nito.

Isa sa dahilan ay mismong silang mga Bicolano ay nananatili pa rin sa laylayan sa lipunan hanggang ngayon.

Mula nang maging kongresista hanggang vice-president, hindi aniya nagbago ang pamumuhay ng mga Bicolano sa ilalim ng panunungkulan ni Robredo.

Kaya kahit sabihing balwarte ni Robredo ang Bicolandia, hindi ito magiging Solid Bicol kumpara sa Solid North ni presidential candidate Bongbong Marcos at Solid South ng running-mate niyang si Inday Sara Duterte.

Bilang patunay, nakapanayam ng Tutok Erwin Tulfo ang ilang kamag-anak ni Robredo na dati nitong supporters, ngunit itinatakwil na siya ngayon.

Isa rito si Irwin Sto. Tomas na isang guro at cultural activist ng Sto. Tomas ng Minalabac, Camarines Sur.

Second cousin niya si Robredo, pero aktibo na itong nangangampanya laban sa Lugaw Queen.

“This election hindi naman talaga siya kung sinong relative mo o kung sinong kababayan mo. Election is actually to elect a president na magle-lead sa country. Kilala ko naman si Leni because I campaigned for her in 2013 nung nag-congressman siya. It’s not one million dollar question kung sino talaga ang karapat-dapat for me, it’s BBM,” ani Sto. Tomas.

Aniya, aktibo rin siyang nangangampanya noon para sa kamag-anak na si Robredo nang tumakbo itong congresswoman noong 2013 at vice-president noong 2016.

Pero aminado siya na binigo raw sila nito kaya hindi na niya ito susuportahan.

“Iyon ‘nga yung hindi nakakatuwa. Meron na sanang chance ang Bicol na may vice-presidente kaso parang na neglect pa rin ang region,” sabi pa niya.

Idinigdag ni Irvin na marami sila sa Bicolandia ang tumalikod na kay Robredo at ngayon ay sumusuporta na sa BBM-Sara UniTeam. “Actually hindi lang naman ako ang ganito. Ako lang yung masyadong vocal,” dagdag pa nito.

Nag-viral naman ang larawan ng call center agent na si Juan Paolo Zarzoso ng Pasacao, Camarines Sur. Matapang kasi nitong hinarap ang motorcade ni Robredo sa Bicol habang isinisigaw ang suporta kay BBM.

“Pwede suportahan namin si Leni pero sa local position lang. Kasi dumikit na kasi siya sa LP so parang ang dami sa aming nadismaya,” ani Zarzoso.

Katulad ni Irvin, dati rin siyang supporter ng kababayang si Robredo. “Noon suportado namin si Leni dahil sa bill n’ya na FOI pero ‘nung pumasok na siya ng national ay wala na ‘to,” anang Irvin.

Ang lahat aniya ng pangako sa mga Bicolano ni Robredo ay pawang napako. Hindi naiangat ang kanilang pamumuhay at bahagi pa rin sila sa laylayan ng lipunan dahilan para bigyang tuldok ang ibinibigay nilang suporta kay Leni.

Si Adelain Delgado, isang kasambahay ay isa rin sa pinaasa at binigo ni Robredo.

“Tama na po kaya ngayon kay BBM po. Subukan ko po si BBM,” wika ni Delgado.

Si Tatay Benjamin naman ng Naga City ay simula’t sapul hindi naging supporter ni Robredo.

Marcos loyalist ang pamilya nito kaya kahit halos lahat ng kapitbahay ay maka-Robredo, buong tapang na ipinagmalaki ang suporta sa UniTeam.

“Kababayan iboboto dahil kababayan. I’m thinking for the good of the country. Sino ba ang boboto sa kanya. Lahat motherhood statement ang ipinapahayag, mga walang substance ang sinasabi.

Talung-talo ni BBM. Si BBM may plataporma,” dagdag pa nito.

“Hindi lang naman ako e. Marami kami. Yung iba silent BBM supporters kasi takot sila na ma-bash at ma-ostracize ng mga tao. Pero ako, matagal na noon pa. Marcos loyalist talaga ang pamilya naming,” sabi pa nito.

Isang local media personality naman na si Victoria Gumabao at dati ring station manager sa ilang istasyon sa Naga City ang ilang beses ding nag-organisa ng mga Caravan para suportahan ang UniTeam.

Laking gulat na lang ni Gumabao dahil ang sinasabing Robredo country na Bicol region ay hindi ganoon ka-solid para kay Leni.

Katunayan, marami ang sumama sa kanilang caravan na aabot sa 5,000 katao.

“If you take a look of Marcos accomplishment and his experience. I would go for Bongbong Marcos not for anything else. Titingnan mo ang plataporma niya. He is not a divisive candidate.

Nakikita ko na he wants us to unite,” ani Gumabao.

Ipinanganak at lumaki sa balwarte ng mga Marcos sa Batac, Ilocos Norte pero nakapag-asawa ng taga-Naga noong 1988 kaya naging residente ng lungsod.

Gusto raw niyang dalhin ang Solid North sa Bicolandia.

“In my own little way, ipakita ko man lang ‘yung support ko kay Bongbong na hindi siya nag-iisa. May kasama siyang Ilokano rito sa Naga City, dito sa Camarines Sur. Just to show that we support him. Just to show na hindi solid Leni ang Bicol,” sabi pa nito.

Sa pinakahuling survey noong January ng Tangere, ang sinasabing biggest online research panel, lumalabas na naungusan na ni Marcos si Robredo sa Bicol region matapos itong makakuha ng score na 45.27% voters preference kumpara sa 25.57% ni Robredo.

Ang ibig sabihin nito, mismong Bicol region ay hindi kaya ma-solid ni Robredo!