Misis ni Niño palaban!
PALABAN ang asawa ni Nino Muhlach na si Diane Tupaz sa post sa kanyang Facebook account kung saan humihingi siya ng hustisya.
Wala siyang pangalan na binanggit kung sino ang tinutukoy niya pero tungkol ito sa diumano’y kababuyang ginawa sa kanyang anak.
Ginawa raw ito ni Diane para matigil na ang pambibiktima ng mga taong sangkot.
Sa social media lumabas ang isyung ito at sinasabing nangyari sa isang GMA event, ang GMA Gala 2024.
Naglabas na ng statement ang network at sinabing “independent contractors” ang mga inaakusahang nanghalay sa batang biktima.
Umasa raw ang publiko ng maayos na imbestigasyon.
ATE VI BALIK-PELIKULA NGAYONG 2024
INALALA ni Vilma Santos-Recto ang showbiz at political career niya nang maging guest speaker sa Department of Foreign Affairs Service Institute kahapon.
Every Wednesday ito ginagawa ng DFA pero hindi lang invited speaker ang nakikita kundi pati singers, dancers at iba pa.
Ipinaalala ni Ate Vi na sa isang tao, dapat, eh, may hard work, smart work at grace of God sa buhay.
Nagawa raw niya ito sa showbiz at political career niya.
Hindi nga lang niya nabanggit kung babalik siya sa Batangas bilang politician sa 2025 elections.
Basta pangako ni Ate Vi, muli siyang gagawa ng bagong movie this September pero walang detalyeng ibinigay hanggang sa umalis kami sa event ng DFA.