Misis kulong dahil sa ‘pakikiapid’

September 1, 2021 Francis Naguit 190 views

KULONG ang isang 39-anyos na misis dahil umani pakikiapid sa Sta.Ana, Maynila.

Sa bisa ng warrant of arrest, ang akusado,residente ng 1705 Road 5 Stree, Sta.Ana, ay naaresto ng mga tauhan ng Sta.Ana Police Station-PS6 , MPD Warrant/Intel Section .

Batay sa ulat, 2015 nang ireklamo at sampahan ng kaso ang akusado. Umakyat sa korte ang kaso.

Ang warrant of arrest ng akusado ay ibinaba ni Judge Juan Bermejo Jr., ng MTC Branch 3 Manila.

Ang akusado ay pansamantalang nakadetine sa detencion cell ng nasabing istasyon habang hinihintay ang pagbalik ng kanyang warrant of arrest at issuance ng commitment order nito. Nina Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE