Default Thumbnail

Misis ginapang, hinawakan ng nakitulog na bisita

September 30, 2021 Melnie Ragasa-limena 3065 views

ARESTADO ang 37-anyos na construction worker na nakitulog lamang sa bahay ng kasamahan sa trabaho matapos na gapangin at hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng misis nito sa Quezon City, ayon sa ulat.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Garry Sario Ragos, 37, walang asawa, construction worker, at residente ng No. 025 Dulong Tangke, Brgy Molinta Valenzuela City.

Sa report ng Galas Police Station (PS 11), bandang alas-9 p.m. noong September 26, mahimbing na natutulog sa kama ang 34-anyos na ginang na itinago sa pangalang ‘Tina” habang ang mister naman nito at ang nakitulog na suspek ay parehong nasa sahig.

Pero nagising si Tina nang maramdamang may humihimas sa maselang bahagi ng kaniyang katawan, hanggang ipasok umano ng suspek ang daliri sa kaniyang kaselanan.

Napabalikwas si Tina pero agad na pinagbantaan ng suspek na sasaktan kapag mag-iingay, gayunman ay nagsisigaw pa rin ang ginang kaya kumaripas na lamang ng takbo ang katrabaho ng mister na noon ay tulog pa rin.

Habang papatakas ay nasalubong ng suspek si Ryan Hilvano, 29, binata, construction worker na hahara-hara sa kaniyang daraanan kaya hinalihaw niya ito ng saksak ng kutsilyo.

Dahil dito ay hinabol ni Hilvano si Ragos na nagkataon namang may nasalubong silang mga nagpapatrulyang mga pulis kaya nakorner ang suspek at nakumpiska ang hawak nitong kutsilyo.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape law) at Frustraded Homicide laban sa suspek.