Misis, bf na tricycle driver nasundan ni mister dahil sa GPS

June 3, 2021 Gil Aman 94 views

SABAY nadakip ng pulisya ang isang 43-anyos na ginang gayundin ang kalaguyo nitong 44-anyos na tricycle driver dahil sa Global Positioning System device (GPS) na ikinabit ng mister nitong negosyante sa kotse na minaneho nito Martes ng umaga na patungo sa motel sa Biñan City, Laguna.

Dahil sa may hinalang ginagawa ang misis ng 48-anyos na biktima ay lihim nitong kinabitan ng GPS ang kanilang kotse lingid sa kaalaman nito.

Natunton ng GPS device ang pinuntahan ng ginang upang makipagkita sa kanyang kalaguyo dakong alas 6:30 ng umaga sa La Marimar Executive Inn, Bgy. Tubigan , Biñan City, Laguna.

Dahil sa positibo ang kinaroroonan ng dalawa, agad humingi ng tulong sa pulisya ang negosyanteng biktima na aktong nahuli sa kuwarto ng motel ang magkalaguyo.

Ayon sa pulisya ang magkalaguyo na kapwa magkababata na matagal ng may relasyon sa isat isa ay nahalata na rin ng mister na biktima.

Mahaharap sa kasong concubinage ang lalaki samantalang ang ginang ay sasampahan ng kasong adultery na kapwa nakakulong ngayon sa Biñan City Police.

Dagdag pa ng mister na matagal na nitong sinusubaybayan ang galaw ng kanyang misis sa lihim nitong ginagawa na aktong nadatnan sa loob ng motel sa nasabing siyudad.

AUTHOR PROFILE