Asunta

Miracle baby nina Assunta at Jules isang taon na

March 10, 2022 Aster Amoyo 548 views

FIL-ITALIAN actress Assunta de Rossi’s beautiful and adorable `miracle baby’ Fiore (Giulia Florentina Alessandra Schiavone Ledesma) turned one-year-old last October 23 and her family threw a simple birthday celebration for her at home.

Fiore is an Italian word for flower kaya ito ang napiling palayaw ng mag-asawang Jules Ledesma at Assunta para sa kanilang first baby whom they waited for 18 years.

In our exclusive interview with the actress for our online show, “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube, Assunta admitted to us that it was in 2016 when she and her husband Jules tried the IVF (in vitro fertilization) procedure but it was was not successful.

Ayon sa actress, meron pa umano silang dalawang developed embryo na handang ilipat sa kanya ng doctor pero ito’y kanilang ipinagpaliban muna. But just the idea na hindi na siya mabubuntis sa normal na paraan, hindi na ito inaasahan ni Assunta at ayaw umano niyang magpa-pressure just to have a baby. But to her and her husband’s surprise, she was able to conceive the baby in February 2020 sa normal na paraan and was able to confirm that she was pregnant on March 5, 2020 when she visited her O.B.-Gyne doctor at lumabas na almost one month and two weeks na umano ang kanyang ipinagbubuntis.

Sa kabila ng pagkakaroon ng myoma ni Assunta, naging normal ang kanyang pagbubuntis kay Fiore but she has to undergo Caesarian section before her full term in November kay pinapamili siya ng petsa ng kanyang panganganak. What the actress did, nagpalabunutan umano sila ng dates (from October 22 to 29) at kung ano ang kanyang mabubunot ay siyang petsa ng kanyang CS operation and she got October 23 kaya October 23 isinilang si Fiore who was like a doll-size nang ito’y lumabas.

Being a first time mom, nagbasa umano si Assunta ng mga libro kung paano aalagaan ang kanyang baby pero karamihan umano ng kanyang ginagawa ay instinct na ng isang ina.

Kahit 17 months old na si Fiore ay bini-breast feed pa rin ito ng actress at siya rin umano ang nagpapatulog dito. Very hands on umano siya sa pag-aalaga sa kanyang anak kahit meron itong sariling nanny laluna ngayon na marunong na itong maglambing. Ultimo ang kanyang husband na si Jules ay nagugulat sa pagiging hands-on mom ng kanyang misis.

Being the only baby in the family, well-loved si Baby Fiore ng kanyang grown up elder (half) siblings na sina Cristina (29) and Julio (25). Lokong-loko rin kay Fiore ang nakababatang kapatid ni Assunta, ang actress-director and producer na si Alessandra de Rossi. Unfortunately, hanggang ngayon ay hindi na nakikita ang baby ng kanyang maternal grandparents na nasa Italy maging ng dalawa pang sisters ni Assunta na sina Isabel at Margherita. Pero kung magpapatuloy ang pag-improve ng health situation sa Pilipinas dahil sa pandemic, malamang ay bumalik ng Pilipinas ang pamilya ni Assunta.

Assunta admits na tulad ng ibang couples, nagka-clash din umano sila ng kanyang husband (of 18 years) pero hindi umano ito umabot sa kanilang paghihiwalay.

Assunta was only 19 and at the peak of her career nang siya’y magpakasal kay Jules (a widower with two kids) who was then 42 years old, a politician at nagmula sa prominenteng pamilya sa San Carlos, Negros Occidental. The actress turned 39 last February 26 .

With her baby around, wala pa si Assunta sa kundisyon na magbalik-showbiz dahil priority niya sa ngayon ang kanyang baby and her family. Pero hindi nito ikinakaila na sobra umanong nagbago ang kanyang pananaw sa buhay nang lumabas si Baby Fiore, her miracle baby.

SingRandy, Rey at K nag-enjoy sa paglipat

MUKHANG ini-enjoy nina Randy Santiago, Rey Valera at K Brosas ang kanilang pag-alis bilang mga hurado ng long-running singing contest segment ng “It’s Showtime,” ang “Tawag ng Tanghalan” para maging bahagi ng musical videoke singing reality game show na “Sing Galing!” na pinamamahalaan ng dating choreographer-dancer-turned TV director na si Mel Feliciano. The program is a joint production ng Cornerstone Studios and Cignal Entertainment at napapanood sa TV5.

Si Randy ay tumatayong host ng programa kasama sina K Brosas at Donita Nose (dating co-host ni Willie Revillame sa “Wowowin”) habang tumatayo namang judges sina Rey Valera, Ronnie Liang at Jessa Zaragoza kasama ang mga SingTokers na sina Yukii Takahashi, Billy Basilico, Nikko Badayos at Queenay habang ang TikToker na si Zendee ay siyang host ng online show na pinamagatang “Now Zending”.

The grand finals will be held this March 17 at 6:30 p.m.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE