Larawan: Anne Curtis-Smith/IG
Minimalist Dyosa
MAS bright pa sa future ng lahat ang kili-kili ng TV actress at host na si Anne Curtis-Smith na kanyang ipinakita sa kanyang Instagram account, na may caption na “Pretty please?”
Pinatunayan ni Anne na “Diyosa” nga siya dahil wrecked na wrecked ang netizens sa kanyang uncanny beauty kahit na minimal outfit lang.
Suot ng host ang demin pants partner ang denim upper outfit na tinernohan ng gold necklace at minimal make-up.
Todo fangirling naman ang celebs kay Anne. Ilan sa mga nag-iwan ng komento ng paghanga ay sina Isabelle Daza, Andrea Brillantes, Neri Miranda, Bryan Yambao, Kuya Kim Atienza, at iba pa.
Suporta rin ang nakuha ni Anne sa kapatd nitong si Jasmine Curtis-Smith, na nag-comment ng, “SESTRANG KAY GANDA GRABEEEEEEEEE!”