Mindanao niyugyog ng 5.7 magnitude na lindol

June 15, 2021 Jun I. Legaspi 136 views

YINUGYOG ng magnitude 5.7 na lindol ang bahagi ng Mindanao region, Monday ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa official report na inilabas ng Phivolcs, 10:38 p.m. nang maramdaman ang lindol sa Kadingilan, Bukidnon.

Tectonic ang origin ng lindol at ang lalim nito sa lupa ay 003 kilometer saad ng Phivolcs.

Sa lakas ng lindol naramdaman ang Intensity VI sa Kandingilan, Bukidnon, Intensity V sa mga lugar ng Damulog, at Don Carlos; Wao, at Lanao del Sur, Intensity IV sa Kalilangan, Kitaotao, Pangantucan, Kibawe, Maramag,Quezon, Libona at Talakag, Bukidnon; Cotabato City; Marawi City, Marantao, Lanao del Sur, Iligan City, Cagayan de Oro City, Banisilan at Pikit Cotabato, Intensity III sa Malaybalay, Baugon, Cabangsalan, Impasug-Ong, Malitbog, San Fernando, Lantapan, at Manolo Fortich, Bukidnon, El Salvador, Misamis Oriental, Pagadian City, at Davao City.

Naramdaman din ang Intensity II sa Arakan at M’lang, Cotabato, Kidapawan City, Dipolog City, Datu Piang, Maguindanao, Bayugan city, Agusan del Sur, Opol Misamis Oriental, Monkayao at Davao de Oro.

Nagpaalaala ang Phivolcs sa posibleng mga aftershocks kaya pinag-iingat nito ang mga residente na nakaramdam ng lindol.

Inaalam pa ng mga frontliners personnel ng (Phivolcs) ang posibleng mga damages of property ng lindol.

AUTHOR PROFILE