Phivolcs

Minda, Visayas niyanig ng 5.1 na lindol

August 13, 2022 Jun I. Legaspi 123 views

MAGKAHIWALAY na yinanig ng malakas na lindol ang Mindanao at Visayas regions Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa opisyal na report na inilabas ng ahensiya, naramdaman ang malakas na magnitude 5.1 lindol 20 kilometers southwest ng Anini-y Antique.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 006 kilometer, ayon sa Phivocls.

Bagamat sinabi ng ahensiya na walang masyadong inaasahan pinsala sa ari-arian, pinag-iingat ang mga nakatira sa tinamaan ng lindol sa mga posibleng mga “aftershocks”.

Ayon sa Phivolcs dahil sa lakas ng lindol naramdaman ang Intensity IV sa mga lugar ng Anini-y, Tobias Fornier at San Jose Buenavista, Antique.

Intensity III naman ang naramdaman sa mga lugar ng Belison, at Sobalom, Antique, Iloilo. Intensity II sa mga lugar ng Iloilo City, at San Jose de Buenavista, Antique.

Naramdaman din ang Intensity I sa Sabaste, Antique, Sipalay City, Negros Accidental at Tapaz, Capiz.

Kaugnay nito iniulat din ng ahensiya na naobserbahan ang magnitude 5.8 na lindol sa South Upi, Maguindanao.

Tectonic rin ang origin ng lindol halos 62 kilometro naman ang lalim nito sa lupa.

Sa lakas ng lindol naramdaman ang Intensity V sa Cotobato City, Intensity IV sa General Santos City, Intensity III sa Zamboanga City, Intensity II sa Davao City, at Kidapawan City.

Ayon sa Phivolcs, patuloy ang pagkalap ng kanilang mga frontliner personnel kung gaano may mga napinsalang mga ari-arian at inaasahan din ang mga aftershocks.

AUTHOR PROFILE