JBK

Millennial trio, naglabas ng bagong single

May 23, 2022 Ian F. Fariñas 233 views

MAY bagong single ang award-winning trio na JBK, na kinabibilangan nina Joshua Bulot, Bryan del Rosario at Kim Ordonio.

Pinamagatang Porket, ito ay isang Latin pop-romance-inspired track.

Ang Porket, na isang awitn na relatable para sa lahat, ay tungkol sa isang lalaking masama ang loob matapos siyang iwan ng kanyang lover.

Iniisip niya ang mga alaalang nakakabahala sa kanyang relasyon habang ginugunita niya ang nakaraan at sinisisi ang mga maling nangyari.

Ipinapakita rin sa awitin ang bawat yugto ng pagluluksa gaya ng denial, galit, bargaining at depresyon, na lahat ay para sa kanyang dating kasintahan,.

Pinag-sasama ng awitin ang soul ng OPM at ang Latin American tunes.

Ito ang follow-up ng trio sa kanilang mga naunang reggaeton single na Sana Naman nu’ng October 2020 at ng Crazy nu’ng April 2021 dahil gusto nilang gawing signature sound ang genre na ito.

Ang Reggaeton ang paborito ng JBK spagkat naipapakita nito ang vocal bravado ng mga miyembro at nagbibigay-pugay din ito sa Pinoy cultural roots and influences.

“Gusto naming mag-break ng new grounds sa mainstream OPM at nawa’y umabot din kami sa iba’t ibang bahagi ng Asya at maabot din namin ang mga kaibigan natin sa Latin America,” sabi ng JBK.

Ang Porket ay orihinal na komposisyon ng JBK na distributed ng Warner Music Philippines.

Ito ay prinodyus ng The Sound House, sa pamumuno ng international producer na si Xerxes Bakker – na nakatrabaho na rin ang Maroon 5, Snoop Dogg, at Imagine Dragon – at ng multi-instrumental producer ng Cebu na si Jameson Tenorio.

Available na ang Porket for download at streaming sa Spotify, Apple Music at sa iba pang digital platforms.

Ang music video nito ay mapapanood sa official YouTube channel ng grupo.

AUTHOR PROFILE