
Milky
“SHINY” at “milky” ang ibinigay na deskripsyon ng netizens sa pagbabalandra ng kanyang balat sa singer-vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Kakaibang Donnalyn nga ang ipinakita ng social media personality nang magpost ito ng bikini photos sa kanyang Instagram page.
Hindi lang sa pagiging cute at charming magaling ang ‘Kakaibabe’ singer, dahil kung hotness lang din ang pag-uusapan, yakang-yaka niya makipagsabayan.
Apaw ang sex appeal ni Donnalyn sa suot na two-piece swimwear habang nakasalampak sa buhanginan ng beach. Namintana nga ang cleavage ng singer-vlogger. Talagang juicy ang ibinida nitong kaseksihan.
Pati ang pigura ng bebot, di pahuhuli sa pagiging maganda ang korte. Talaga namang inalon ang atensyon sa umaapaw niyang hotness.
Wala ngang bahid na anong kadiliman ang ibinalandra niyang makatas na sex appeal. Nag-ala kutis gatas ang balat nitong tiyak na bet na bet ng mga barakong ialmusal sa umaga at laklakin sa gabi bago matulog.
Samantala, hindi rin nagpaawat sa pagpapaulan ng puso at fire emojis ang netizens sa comment section ng post.