Michelle

Michelle sa muling pagsabak sa pageant: Medyo pagod na po ako

December 2, 2023 Ian F. Fariñas 166 views

HINDI direktang masagot ni Miss Universe Philippines Michelle Dee kung huli na niyang pagrampa sa beauty pageant ang katatapos na Miss Universe 2023 na ginanap sa El Salvador.

Sa homecoming presscon na ibinigay ng Kapuso network para kay Michelle, sinabi niya na hesitant siyang sagutin ang tanong dahil siya ang tipong humihingi ng sign sa universe bago magdesisyon.

Pag-amin pa ni Michelle, “Pati ‘yung pagsali ko sa Miss Universe 2023, I had to wait for a sign from the universe to join. Kaya hindi ko talaga siya masasagot. Of course, I would love to say na ito na ‘yung katapusan, pero ‘yun na nga, you don’t know what life throws at you. Ako, I’m just going to accept any opportunity that presents itself and always keep an open mind. But of course, hindi ko alam kung kaya ko pa lumaban uli. Medyo pagod na po but I’m just happy that all of you are proud.”

At any rate, masaya ang beauty queen na nakauwi na siya ng ‘Pinas.

“Sobrang tumataba na ‘ata ako ulit,” biro pa niya. Blessed nga ang feeling ni Michelle sa dami ng offers na dumadagsa ngayon tulad ng appearance niya sa Black Rider na pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Yassi Pressman sa GMA.

“Sa season 2, hindi ko sure. Extended season? Basta, Black Rider and a few other projects also that I am not at liberty to say. May mga collaborations na mangyayari very, very soon. I am travelling in the near future for another project also. So, marami po talagang aabangan. Of course, my advocacies, tuluy-tuloy pa rin po with Autism Society Philippines and Global Spectrum Initiative and of course, my entrepreneural ventures, tuluy-tuloy pa rin po,” banggit ni Michelle.

AUTHOR PROFILE