Michelle engaged na sa PBA coach
MAGPATULOY pa kaya ang plano ng volleyball player at dating beauty queen na si Michelle Gumabao na pumasok ng showbiz ngayong engaged na ito sa kanyang nobyo, ang PBA coach na si Aldo Panlilio? The engagement happened recently in Tokyo, Japan kung saan nagbakasyon ang dalawa.
Sa Tokyo, Japan din nangyari ang engagement nina Robi Domingo at wife na niya ngayon na si Maiqui Pineda nung November 2022 witnessed by his close showbiz friends including ang magkasintahan pa noong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at mag-asawa na rin ngayong sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Sa Japan din nangyari ang engagement ng hiwalay na ngayong couple na sina Maxene Magalona at ang musical na si Robby Mananquil gayundin ang engagement ng Viva Hot Babe original member na si Katya Santos and her non-showbiz fiancé na si Paolo Pilar na nagyari naman nung nakaraang January this year.
Si Michelle ay nakatatandang kapatid ng Viva actor na si Marco Gumabao who is in a relationship ngayon sa ex-wife ng multi-martial artist-actor na si Ali Khatibi, ang singer-actress na si na si Cristine Reyes na nasa pangangalaga rin ng Viva.
Lawyer na, komedyante pa
THE legally funny lawyer, stand-up comedian and vlogger Atty. Ed Chico is the newest addition sa family ng Viva Artists Agency (VAA) and he was a bit surprised when he met for the first time some members of the entertainment media at the boardroom of Viva office last Thursday, August 8.
“Honestly, nahihiya ako kasi first time akong humarap sa inyo,” he said.
But when he finally loosened up ay tuluy-tuloy na ang kanyang pagku-kwento how he got into the business of entertainment considering that he has a lucrative career being a practicing lawyer (for over 2 decades), legal consultant (of known companies), law professor, political analyst and a radio anchor.
Tulad ng ibang success stories, marami ring trials ang pinagdaanan ni Atty. Ed who sent himself to school by being a working student.
Since he was a young boy ay natural na umano ang kanyang pagpapatawa hanggang sa ito’y kanyang kinalakihan.
As early as 2018 ay nagsimula na umano siyang gawin ang pagiging stand-up comedian sa kabila ng kanyang pagiging aktibo sa kanyang law profession.
Nung simula umano ay kakaunti lamang ang nanonood at interesadong makinig sa kanyang mga jokes hanggang sa unti-unti na itong dumami and started to get invited sa mga corporate shows and private parties to sold-out shows. When he started performing at Viva Café and Greyhound Café (both owned by Viva’s big boss Vic del Rosario, Jr.) ay dito siya namataan ni Boss Vic who immediately offered him a talent management contract at VAA. Na-amaze ang Viva big boss sa kakaibang talent and brand of comedy ni Atty. Ed.
Alam naman ng marami that Boss Vic has built a countless number of stars and talents since he started building up his own empire in the local entertainment business as early as the `60s to the present time.
Atty. Ed felt honored and elated sa alok sa kanya ng Viva big boss kaya agad siyang sumang-ayon after discussing the matter with his wife as he also wanted to capture a bigger audience and other platforms of entertainment.
Although aktibo pa rin si Atty. Ed sa kanyang pagiging isang abogado, hindi nito ikinakaila na kakaibang fulfillment ang kanyang nararamdaman whenever he is in front of an audience at napapatawa niya ang mga ito at nagi-enjoy sa kanyang mga binibitawang fun antics kahit sa harapan mismo ng kapwa niya lawyers and legal practitioners and even government officials and politicians.
Nagbiro rin ang lawyer-comedian na ngayong nasa bakuran na siya ng Viva ay may pagkakataon na siyang makagawa ng pelikula sa Vivamax.
Samantala, Atty. Ed is is also open to doing collaboration with other artists. Katunayan, prior to his signing-up with Viva ay nag-usap na umano sila ng singer, songwriter, actor-comedian at director na si Janno Gibbs at may niluluto na umano silang podcast na kanilang pagsasamahan.
Ilan sa mga hinahangaan niyang komedyante ay sina Jo Koy at Vice Ganda.
If Jo Koy makes fun of his mom, si Atty. Ed Chico naman ay parati niyang isinasama sa kanyang pagpapatawa ang kanyang misis.
Was there a time na may na-offend sa kanyang pagpapatawa?
“Wala pa naman!” aniya.
Kapag kausap mo si Atty. Ed Chico ay hindi mo halos malaman kung siya’y nagsasabi ng totoo o nagpapatawa because of his poker face.
Buboy na-realize ang kahalagahan ng isang ama
KAPUSO singer, actor, host, entrepreneur and vlogger Buboy Villar became a father two when he was in his teens.
It was in 2015 when he started dating his former American girlfriend na si Angilyn Gorens hanggang magsimula silang magsama the following year and bore two children -sina Vlanz Karollyn (7) at George Michael (5).
Although plano noon ni Buboy (Robert Villar in real life) na pakasalan sa Amerika si Angilyn, hindi ito nangyari hanggang sa sila’y magkahiwalay nung 2018 hanggang sa bumalik na ng Amerika ang (dating) partner ng singer-actor. Pero ang maganda sa dating mag-partner ay nanatili silang magkaibigan hanggang ngayon at tuloy ang kanilang komunikasyon dahil sa mga bata.
Kahit bata pa siya nang siya’y maging ama ng dalawa niyang anak, ngayon na-realize ni Buboy ang kahalagahan ng isang ama lalupa’t matagal nang hiwalay ang kanyang parents at maaga siyang nasabak sa trabaho para makatulong sa kanyang pamilya.
Sa kabila ng pagiging busy ni Buboy sa kanyang trabaho, he makes it a point na may time siya sa kanyang dalawang anak.
Si Buboy na dating mainstay noon ng late night show na “Walang Tulugan with the Master Showman” ng yumaong star-builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno on GMA ay kabilang na ngayon ng Sparkle Artists ng GMA.
Pilita makulay ang buhay
ASIA’S Queen of Songs, singer, actress-comedienne and former host Pilita Corrales is turning 85 on August 22. She’s the mom of actors Jackie Lou Blanco and Ramon Christopher (Gutierrez) and grandmother of singer-actress Janine Gutierrez (panganay na anak ng dating mag-asawang Monching at Lotlot de Leon) and another fast-rising Kapamilya singer-actress na si Arabella Davao, the youngest daughter of estranged couple na sina Ricky Davao at Jackie Lou.
Although marami nang singers and performers ang nagsulputan, walang makakapantay sa achievements both locally and internationally sa nag-iisang si Pilita Corrales.
Pilita carries a very colorful life. She was first married to a Spanish businessman na si Gonzalo Blanco at nagkaroon sila ng isang anak, si Jackie Lou who was still very young nang sila’y magkahiwalay. Pilita kept Jackie Lou with her at ito’y kinidnap ng sarili niyang ama at dinala sa ibang bansa. It brought Pilita sleepless nights at nauwi sa kanilang legal battle hanggang maibalik sa kanyang poder ang kanyang panganay na anak. Gonzalo died in 1981 leaving Jackie Lou as his sole heir.
In 1971, Pilita bore another child, si Ramon Christopher courtesy of former Sampaguita idol na si Eddie Gutierrez pero hindi nagtagal ang kanilang relasyon.
Monching was still a baby nang magkaroon naman si Pilita ng bagong partner sa katauhan ng singer-musician na si Amado del Paraguay but after several years ay nauwi rin ito sa hiwalayan. It was in May 22, 2001 nang muling magpakasal si Pilita sa isang Paraguay-Australian businessman na si Carlos Lopez na kasama niya hanggang ngayon.
The Greatest Filipina singer-performer of all time, Pilita will always be the one and only Asia’s Queen of Songs.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.