Vice Photo: Michael V./FB

Michael V, Vice may collab?

August 21, 2023 People's Tonight 181 views

SA isang Facebook post noong Lunes, ika-21 ng Agosto, ibinahagi ni Bitoy ang kanilang nakaraang pagkikita ni Vice Ganda.

Ayon sa kanya, tuwing magkakasalubong sila ni Vice Ganda, isang bagay lang ang pumapasok sa kanyang isip – ang mga “posibilidad.”

Sa panahong tila masasabi nang “puwede na,” nagtanong si Bitoy sa mga tagasunod kung ano ang kanilang naisip na posibleng mangyari sa hinaharap.

Sa mga komento, may mga hinuha naman ang mga taga-hanga ng dalawang artista na ito ay maaaring senyales na magkakasama sila sa isang pelikula, concert, o vlog.

Matatandaan na bumisita si Bitoy sa noontime show na “It Showtime” nitong Sabado para sa birthday celebration ng kaibigan at matagal niyang nakasama sa GMA-7 na si Ogie.

AUTHOR PROFILE