Default Thumbnail

Mga yumaong celebrities inalala

November 1, 2024 Aster Amoyo 104 views

KAHAPON, October 31 ay marami na ang dumagsa at nagsidalaw sa mga pumanaw nilang mga mahal sa buhay sa iba’t ibang sementeryo hindi lamang sa Kamaynilaan kundi maging sa iba’t ibang mga probinsya. Ito’y para maiwasan ang traffic at dagsa ng mga tao. Sa araw ng November 1 at November 2 ay hindi maiwasan ang dagsa ng mga tao sa mga sementeryo dahil naging tradisyon na ito ng mga Pinoy gaano mang hirap ang kanilang susuungin.

Bukod sa kanilang mga mahal sa buhay, dagsa rin ang dumadalaw sa puntod ng mga kilalang personalidad na yumao na tulad nina dating Pangulo Cory Aquino, her husband, former Sen. Benigno `Ninoy’ Aquino at ang kanilang only son, si dating Pangulong Noynoy Aquino sa Manila Memorial Park in Sucat, Paranaque kung saan din nakahimlay ang marami popular personalites tulad ng drama actor na si Dindo Fernando, ang komedyanteng si Rene Requiestas, ang dating mag-asawang radio and TV personalities na sina Orly Punzalan at Helen Vela, ang dating matinee idol na si Rico Yan at iba pa.

Dinadagsa rin sa Manila North Cemetery ang libingan ng mag-asawang King and Queen of Philippine movies na sina Fernando Poe, Jr. at Susan Roces maging ang ibang personalidad na doon nakalibing maging ang namapayang Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno, ang Master Rapper na si Francis Magalona, ang dating entertainment reporter ng “TV Patrol” na si Mario Dumaual at iba sa Loyola Memorial Park in Marikina.

Nung October 27 sa 34th death anniversary ng aming yumaong ama na si Tatay Pacio (Bonifacio Basada Amoyo) ay dumalaw kami sa magkasamang libingan nila ng aming yumaong ina na si Nanay Maling (Ma. Salome Gerna Amosco-Amoyo) sa Manila Memorial Park in Sucat, Paranaque na halos tatlong dipa lamang ang layo sa magkasamang libingan nina Helen Vela at Orly Punzalan. Sa hindi rin kalayuan ay naroon din ang libingan ng komedyanteng si Rene Requiestas. On our way home ay dumaan na rin kami sa libingan ng mag-asawang former President Cory Aquino and former Sen. Ninoy Aquino maging ang kanilang anak na si dating Presidente Noynoy Aquino para mag-alay ng panalangin.

Marami na ring kilalang personalidad ang nakalibing sa Heritage Memorial Park in Taguig City at kasama na rito ang dating action star na si Rudy Fernandez at ang namayapang comedy king na si Dolphy among others.

In whatever way, hinding-hindi na mawawala sa mga Pinoy ang tradisyon ng taunang paggunita sa mga mahal nila sa buhay na namayapa na. Marami rin ang nagsiuwian sa kani-kanilang mga probinsya para doon gunitain ang All Saints Day and All Souls Day.

Coco at iba pang celebrities na may kaarawan

SAMANTALA, sine-celebrate naman ng actor, director at producer at bida ng top-rating and long-running action drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na si Coco Martin ang kanyang kaarawan tuwing November 1 at sa araw na ito ay 43 na siya. Tiyak na kasama ni Coco ang kanyang lady love, ang actress na si Julia Montes at iba pa niyang mahal sa buhay, mga kaanak at malalapit na kaibigan na nag-celebrate ng kanyang birthday.

Ka-birthday rin ni Coco ang ex-PBB Big Winner (2019) na si Yamyam Gucong.

Sa November 2 naman ay kaarawan ng singer-songwriter at frontman ng Eraserheads na si Ely Bundia gayundin ang singer-actor na si Justin Alva. Sa November 3 ay kaarawan ng Star for All Seasons, ang seasoned award-winning actress at politician na si Vilma Santos-Recto. She will turn 71.

Ang November 4 ay kaarawan ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban, ang singer-songwriter na si Moira at ang chess icon na si Eugene Torre, ang yumaong 8th President ng Pilipinas na si Carlos Garcia magng ang National Artist for Painting na si Francisco ‘Botong’ Francisco.

Come November 5 ay birthday naman ang actor-politician na si Arjo Atayde, Enchong Dee at Gabby Concepcion while on November 6 ay sabay ang birthday ng singer-actress and host na si Jolina Magdangal at Shaina Magdayao.

On November 7 ay kaarawan ng panganay ng actor na si Mark Anthony Fernandez, ang young actor na si Grae Fernandez. November 8 ay birthday ng veteran singer na si Basil Valdez, actress na si Lauren Young at actor-Tiktokerist na si Gardo Versoza at iba pang mga personalidad na magsi-celebrate ng kanilang birthdays this month including Comedy Queen Ai-Ai de las Alas who is turning 60 on November 11.

Magkakasunod namang nagdiwang ng kanilang kaarawan last month (October) ang Filipina international model na si Kelsey Merritt (October 1), and veteran singer-songwriter, TV host, actor-comedian at painter na si Joey de Leon (October 14), singer, actress, dancer-host and entrepreneur na si Maja Salvador (October 5) Senate President na si Francisco `Chiz’ Escudero (Oct. 10), singer, actress-host na si Vina Morales (October 17), veteran TV personality Korina Sanchez (October 21), former ABS-CBN president-CEO and award winning actress and film producer na si Charo Santos-Concio (October 27), Viva group of companies big boss, record, TV, film and live concert producer Vic del Rosario, Jr. (October 26), King of Talk Boy Abunda (Oct. 29), TV personality Christine `Tintin’ Babao (October 30), veteran dramatic actor Christopher de Leon and former actress and talent manager Annabelle Rama (October 31) at iba pang popular celebrities.

Rayver proud kay Julie Ann

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang GMA prized star na si Julie Anne San Jose na siya ang napiling 2025 Ginebra San Miguel Calendar Girl.

Aware ang Kapuso singer, actress at host kung sinu-sino ang mga naunang kilalang celebrities sa kanya kaya kahit paano ay may kasama umanong pressure sa kanya but at the same time ay isa umanong malaking karangalan na siya ay mapabilang bilang Calendar Girl for 2025 sa pangunahin and flagship brand and oldest gin company ng bansa, ang Ginebra San Miguel now celebrating its 190th year in the business. Ito’y pag-aari ng San Miguel Corporation.

Proud naman kay Julie Ann ang kanyang nobyo, ang kapwa niya Kapuso singer, dancer, actor at host na si Rayver Cruz.

Since pareho nang nasa marrying age ang dalawa, hindi kami magtataka kung mag-propose na si Rayver sa kanyang nobya anytime soon. Naiinggit na rin kasi ang singer-dancer at actor sa kanyang nakatatandang kapatid na isa ring Kapusp singer, dancer at actor na si Rodjun Cruz na meron nang dalawang anak sa wife nitong si Dianne Medina-Ilustre.

Kathryn at Alden parehong inspired

GRABE ang sipag na ipinamamalas ng lead stars ng pelikulang “Hello, Love, Again” na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa promo ng kanilang reunion movie na ngayon lamang ginawa ng dalawa kumpara sa lahat ng mga proyektong kanilang ginawa in the past.

Hindi alintana ng dalawa ang pagod at init sa biyahe (maging sa mga provincial promos) at kitang-kita pa rin sa dalawa ang enthusiasm at pagiging inspired sa kanilang ginagawa na hindi nila nagawa during the promo ng nauna nilang movie, ang 2019 blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye”.

` Is it because pareho silang inspired kapag magkasama?

Sa panayam ng Fast Talk with Boy ABunda kay Kathryn, tinanong ang dalaga kung handa na ba itong magmahal muli na agad namang sinangayunan ng Kapamilya star.

Inamin din ni Kathryn na marami umano siyang natutunan sa 11 taon nilang relasyon ng kanyang ex-boyfriend (of 11 years) na si Daniel Padilla maging sa kanilang break-up (nung November 2023).

Si Daniel ang kauna-unahang naging nobyo ni Kathryn.

Sakaling si Alden ang magiging bagong boyfriend (hindi pa ba?) ni Kathryn, malamang na ito’y mauwi na sa kasalan dahil mukhang pareho na rin silang handa na bumuo ng sarili nilang pamilya kung saka-sakali.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE