Default Thumbnail

Mga trak bawal munang dumaan sa P. Burgos Ave. mula Huwebes

June 21, 2023 Edd Reyes 262 views

INANUNSIYO ng Manila Public Information Office (MPIO) na simula sa araw ng Huwebes, Hunyo 22, 2023, lahat ng mga trak ay hindi muna papayagang dumaan sa Padre Burgos Avenue sa Ermita, Manila.

Sa anunsiyo ni MPIO chief Atty. Princess Abante, sinabi niya na ang pagbabawal sa lahat ng mga trak na dumaan sa Padre Burgos Avenue ay sanhi ng isasagawang pagsusuri at inspeksiyon sa kaligtasan ng naturang daan na isasagawa ng mga ekperto sa lanssangan.

Naglabas naman ng mga alternatibong ruta ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB), na pinamumunuan ni Zenaida Viaje bilang Officer-In-Charge Zenaida Viaje, kabilang ang mga sumusunod:

Ang lahat ng trak na magmumula sa Roxas Boulevard patungong Quezon Blvd, at Quiapo ay powedeng kumanan sa Finance Road, patawid ng Ayala Blvd., diretso sa Ayala Bridge, kaliwa sa Carlos Palanca, patungo sa destinasyon.

AUTHOR PROFILE