Mga proyektong hindi humihilom sa sugat ng kagubatan at kalikasan.
PARA sa mga mulat sa katotohanan, ang delubyo ng malawakang baha sa kapatagan na kumitil ng maraming buhayat puminsala ng bilyon bilyon pisong halaga ng mga ari-arian saOrmoc City (1991) at sa Kalakhang Maynila[Ondoy (2009), Habagat(2010) at Enteng(2024)] ay ebidensya ng masamangepekto ng paglapastangan ng tao sa mga kabundukan napananggalang sa bagyo, pagguho ng lupa at pagbaha. Magingang corona virus, isang zoonotic disease, ay bunga ng panghihimasok ng tao sa katahimikan ng kagubatan. At bawatnagdaang administrasyon ay nagsikap gawing berde muli ang napanot na bundok subalit sila ay bigo sa pagbabago ng mganumero sa paghihilom ng kagubatan.
Ang mga pagsisikap sa rehabilitasyon ng kagubatan ay unang naitala noon 1910s, at mahaba ang listahan ng mgaacronym ng programa at kasunduan sa pagitan ng pambansa at lokal na pamahalaan, mga komunidad na naninirahan sa loob at malapit sa mga kagubatan, pati na rin ang pribadong sektor.Nakakalungkot na ang mga pagsisikap na ito ay hindi absweltosa mga paratang ng maling pamamahala, katiwalian at nabaldang awayan ng mga politiko.
Halimbawa na ang National Greening Program, nanaglalayong doblehin ang kagubatan ng bansa pagsapit ng 2028. Hinangad ng NGP ang rehabilitasyon ng 7.1 milyong ektarya nalupang kagubatan. Sinundan ito ng Enhanced National Greening Program (E-NGP) na pinatinding rehabilitasyon ng 1.2 milyongektarya ng mga napanot na kagubatan bago matapos ang terminoni Duterte noon 2022.
Noong 2019, nakita ng Commission on Audit (COA) ang ilang isyu sa kahinaan ng DENR sa pagpapatupad ng dalawangprograma tulad ng pagpataw ng mga target na lampas sakapasidad ng mga opisyal na nagpapatupad ng programa; ang kakulangan ng survey, pagmamapa, at pagpaplano; at ang pagkasali ng mga malayong lugar na mahirap marating ng tao at tiyak na aabandonahin pagkatapos ng kontrata ng pagtatanim, pagpapanatili at pangangalaga. Natuklasan ng state think-tank Philippine Institute for Development Studies na ang survival rate ng mga punong nakatanim sa ilalim ng NGP ay nasa 61% lamang noong 2016 o mas mababa sa 85% na layunin.
Bukod dito, natuklasan ng mga mananaliksik ng Unibersidad ng Pilipinas na ang pagkawala ng kagubatan satatlong lugar sa kabundukan ng Sierra Madre ay bumaba mula2011 hanggang 2015 ngunit tumaas mula 2016 hanggang 2018. Gamit ang satellite data, walang makabuluhang pakinabang ang reforestation ng pamahalaan na kinakansela ng hindi masawayna paglapastangan ng gubat ng mga tao.
Ang kagubatan ay bumabawi kung hahayaan itongmanariwa ng kusa na sinasabayan ng pagpapatigil ng konbersyon sa agrikultural ng lupa, timber poaching, at mgasunog sa kagubatan.. Nabubuhay muli ang gubat sa tulong ng mga paniki, ibon, at iba pang mga hayop na nagpapakalat ng mga buto ng halaman. Ang mga lugar sa Sierra Madre at Apayao, na dating kalbo ngayon ay mga “closed-canopy” nakagubatan. Pinapagaling ng gubat ang sarili basta huwagtitinagin ito ng tao at magaganap ito kung hindi magpapabayaang DENR.
Matindi ang pangangailangan na gawing luntian ang kabundukan at mapalaki sa 10 milyon hektarya ang natitirang 7 milyon hektarya kagubatan ng Pilipinas bilang isangpermanenteng solusyon sa pagbaha sa kapatagan. Hindi tayomakakaakit ng dayuhan na mamuhunan sa bansang lantad sabaha. Ang pondo ng pamahalaan ay pinagtatalunan ng iba’tibang ahensiya ng pamahalaan na may mga matindi rin napangangailangan tulad sa edukasyon, kalusugan at agrikultura. Dagdag pa rito ang realidad ng papalapit na halalan sa 2025.Mahirap mangumbinsi ng botante na naghahanap ng tulongpinansyal na ang pondo ng bayan ay ginamit sa pagpapaluntianng kagubatan na hindi mahalaga sa isipan ng botante bagamatmakikinabang sa positibong epekto ng pagkabawas ng baha. Hangad natin na makahanap ang pamahalaan ng pormularyopara balanse ang pagpapaluntian ng kabundukan at ang pagtulong sa mahihirap na walang pampagamot. Isang malakingtrahedya kung ilalagay na naman ang pondo ng bayan sa mgawalang silbing proyekto na hindi humihilom sa sugat ng kagubatan at kalikasan.