Mga posibilidad ng tambalan sa 2022

October 5, 2021 Allan L. Encarnacion 187 views

Allan EncarnacionSABI nga, huwag basta-basta magpapadala sa mga nakikita o nababasa.

May naamoy akong ibang senaryo sa pagreretiro ni President Duterte at pagpa-file ng COC ni Senador Bong Go sa pagka-bise presidente na sinundan pa ng pagpapa-file ng COC for reelection ni Davao City Mayor Inday Sara.

Sa tingin ko tatakbo si Sara pero will defy the gravity. HIndi susundin ang ama na si Go ang running mate.

May sariling diskarte si Inday. Abangan natin ‘yan.

Kanya-kanya tayo ng analysis kaya walang basagan ng trip ng trip.

***

Nakikiramay po kami sa pamilya ni Ginoong Ely Pamatong.

Iyong araw na inilabas natin ang kolum tungkol sa pagtatanong sa kanyang plano sa 2022 nito lang nakaraang linggo ay siya rin mismong paglabas ng balita ng kanyang pagpanaw.

Advance po ng one day ang submission ng aming kolum kaya po hindi na nagkaroon ng pagkakataong mabago ang laman ating naisulat.

Muli po, ang aming taos-pusong pakikiramay sa mga naulila ni Ginoong Pamatong.

***

Problemado ang Liberal Party sa mga nag-uudyok kay VP Leni kumandidatong Presidente.

May LP faction na gustong mag-coalition support na lang si Leni kay Isko bilang senatorial candidate or tumulong na lang sa campaign para bigyan ng DSWD portfolio.

Ang isa pang LP faction ay may mga kaanib din sila na pinipilit patakbuhin si Leni kahit ayon sa isang grupo, malabo naman daw manalo.

May ilang araw pa para magdesisyon si Leni kung Presidency or Camsur governor or part na lang ng campaign team ni Isko.

***

Sa kabilang banda naman, desidido rin si Bongbong Marcos na kuning bise-presidente si Sara.

Hindi rin malinaw kung payag naman si Bongbong na mag-vice kay Sara.

Mabigat ang tandem ng daughter from the South at a son from the North.

Exciting ang mga susunod na araw, huwag kayong kukurap dahil sa isang kisapmata, iba na ang inyong mga makikita.

Abangan.

allanpunglo@gmail.com