Irgo Pinangunahan ni Joey Lat, IRGO president, kasama sina Ret. F/Insp. Lowie Puno, Board of Trustee, Jenard Rodriguez, Tony dela Cruz, Mark Perez, Boyet Hizole, Serna Valenzuela, Tess Pesante, Ben Niez , & Dong Santos ang pamamahagi ng mga laruan sa mga bata pati mga pagkain at inumin naman sa mga matatanda na dumalo sa gift-giving program sa Smokey Mountain sa Tondo, Manila. Kuha ni JONJON REYES

Mga paslit pinasaya ng Irgo

December 11, 2022 Jonjon Reyes 89 views

MATIYAGANG inakyat ng samahang Intramuros Responsible Gun Owners (IRGO) Shooting Club sa pamumuno
ni Joey Balerite Lat bilang Pangulo Kasama ang ilang mga kasapi na umakyat ang tuktok ng Smokey Mountain sa TOndo, Maynila para pasayahin ang mga batang nakatira sa nasabing lugar, Sabado ng umaga.

Humigit kumulang sa 300 mga bata ang nabigyan ng mga laruan ng grupong IRGO.

Sa pamamagitan ni Lat, IRGO president, kasama sina Ret. F/Insp. Lowie Puno, Board of Trustee, Jenard Rodriguez, Tony dela Cruz, Mark Perez, Boyet Hizole, Serna Valenzuela, Tess Pesante, Ben Niez , at Dong Santos ay naipamahagi ang mga sa mga bata, pati na mga pagkain at inumin naman sa mga matatanda.

Layunin ng samahan na makatulong sa komunidad tulad ng pagpapasaya sa mga bata at pamamahagi sa mga nangangailan. Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa Smokey Mountain.

AUTHOR PROFILE