Sharon

Mga pasa sa kamay at braso, nilinaw ni Sharon

May 1, 2022 Vinia Vivar 492 views

Ang fans ang nakapansin sa bruises sa kamay ni Sharon Cuneta sa mga larawang ipinost niya sa social media.

Kaya naman in-address ito ni Sharon sa kanyang latest post.

Ipinakita ni Mega ang larawan ng kanyang kamay at paliwanag niya, nagkapasa siya dahil sa pakikipagkamay sa mga tao sa kampanya.

Pero siniguro naman niya na walang dapat ipag-alala ang kanyang fans.

“Oh! You guys noticed and wrote in the comments section on a previous post (Pink family details) about the bruise on my left hand!

“Took another pic — please don’t worry, it’s not bad at all! Kakapagkamay ko po sa mga tao yan, wala pong problema,” ani Sharon.

Hindi nga lang daw kamay ang nagkapasa kundi pati braso niya.

“Pati pala arms ko may mga pasa na di ko man napansin! @ @ @ Don’t worry please. Thanks for asking and for your concern! Love you guys,” saad pa ni Shawie.

As we all know, talagang busy nowadays si Sharon sa pagsama sa mga campaign sorties ng mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan na tumatakbong ka-tandem ni VP Leni Robredo.

AUTHOR PROFILE