Default Thumbnail

Mga opisyal at kawani ng BoC, natuwa sa paghirang kay Rubio

February 12, 2023 Vic Reyes 278 views

Vic ReyesMARAMING nagulat nitong narataang Biyernes, Pebrero 10, nang i-anunsyo ng Malacanang na may bagong hirang na komisyuner ng Bureau of Customs (BoC).

Paanong hindi sila magugulat, noon lang Martes, Pebrero 7, ay pinuri pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang mga taga-BOC dahil sa kanilang magandang performance.

Ang papuri ni Marcos ay nakasaad sa kanyang mensahe sa mga opisyal at kawani ng ahensya, na nagdiriwang noon ng kanilang 121st founding anniversary.

Ang mensahe ng Punong Ehekutibo ay binasa ni Secretary Benjamin Diokno ng Department of Finance (DOF), na kung saan ang BoC ay isang attached agency.

Ayon kay Pangulong Marcos, “BoC’s more than P862-billion revenue collection, 34 percent higher than the P643 billion it collected in 2021, was commendable.”

Dagdag pa ng Pangulo: “In fact, I note that all your collection districts have surpassed their revenue targets in 2022, which enabled the BoC to exceed your target for the year.”

Ang bagong komisyuner ng BoC ay si Bienvenido Y. Rubio, na unang pumasok sa BOC bilang Special Agent 1 noong 2001, ay isang Ilocano na tubong Batac, Ilocos Norte.

Pinalitan niya si Commissioner Yogi Filemon Ruiz, dating regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Visayas, na itinalaga sa aduana noong Hulyo 2022.

Maraming opisyal at kawani ng BoC ang natuwa sa pagkakahirang ni Rubio na hepe ng ahensya.

“Tama lang ang ginawa ni Pangulong Bongbong Marcos dahil isang ‘insider’ si Commissioner Rubio,” ayon sa isang customs-based na mamamahayag.

Bago naupo si Commossioner Ruiz, ang mga naging hepe ng BoC ay pawang “outsiders”. Ito’y sina Capt. Nicanor Faeldon, Philippine Marines; Maj. Gen. Isidro S. Lapena, Philippine National Police at Gen. Rey Leonardo M. Guerrero, Armed Forces of the Philippines.

“Dahil insider si BoC chief Rubio, alam na alam niya ang ins and outs sa tinatawag na snake-infested waterfront,” dagdag naman ng isang babaeng small-time broker.

At dahil he rose from the ranks, naniniwala tayo na si Sir Bien, knows how to reward deserving personnel na naging kasama niya sa hirap at ginhawa.

Pagkatapos ay naging intelligence officer 1, officer-in-charge ng Intelligence Division ng Port of Manila (POM) at Manila International Container Port (MICP).

Nagsilbi rin siyang intelligence officer III at IV bago naupong Director III noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Dahil bihasa sa intelligence at investigate work, malaki ang magagawa ni Commissioner Rubio para magtagumpay ang kampanya ng BoC laban sa ismagling.

Lalo na ang ismagling ng mga ipinagbabawal na gamot, na kagaya ng shabu, kush marijuana at ecstacy, at produktong agrikultura.

Sa totoo lang, ang kampanya laban sa pagpasok ng mga iligal na produkto sa Pilipinas ang isa sa prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

At kayang gawin ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “:Bongbong” R. Marcos Jr.

***

Ang daming pumalakpak sa pangako ng Commission on Elections (Comelec) na mahigpit na ipatutupad sa darating na barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections ang pagbabawal sa tinatawag na “premature campaigning.”

Mismong si Comelec Chairman George Erwin Garcia ang nangakong parurusahan nila ang lahat ng mga kandidatong lalabag nito.

Ayon sa poll body, hindi sakop ng Supreme Court ruling “that virtually nullified premature campaigning, or engaging in election activities outside the campaign period, as an election offense.”

Ayon pa sa Comelec, ang 2009 ruling ng Korte Suprema ay sakop lamang ang automated elections.

Paliwanag ng poll body, ang darating na village at youth elections ay “manual” lang at hindi computerized na kagaya ng national and local political exercises.

Okay lang ang desisyon nina Comelec Chairman Garcia, na isang batikang election lawyer.

Pero ang gusto ng taumbayan ay dapat paghahabulin ng mga taga-Comelec ang mga pulitikong makikialam sa darating na October 30 village at SK eleksyon.

Dahil non-partisan ang dalawang elections, bawal ang mga politiko na makialam dito.

Pero public knowledge naman na aktibong makikialam ang mga politiko sa nasabing mga eleksyon bilang paghahanda sa darating May 2025 balloting. Tama ba kami, Pangulong Marcos, Vice President Sara Z, Duterte at Chairman Garcia?(Para sa inyong komento, sumulat o mag-text sa #0916-8624484/emal: [email protected]. Ilagay lang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE