Default Thumbnail

Mga napahiya sa ‘kaldero anomaly’

October 2, 2021 Allan L. Encarnacion 449 views

Allan EncarnacionBUSY ang mga taga-city hall ng Caloocan sa pagbabaklas ng mga tarpauline at mga posters ng makakalaban nilang kandidato sa 2022.

Ramdam na ata nila ang pagbabago ng panahon.

***

Nagdeklara na si former Senator Jinggoy Estrada ng muling pagtakbo sa senado sa 2022.

Sana lang magkasundo na sila ni JV na isa lang sa kanila ang kumandidato.

***

Slowly but surely, nasa top 9 na pala si DPWH Secretary Mark Villar sa Pulse Asia survey para sa senatorial candidates.

Mula sa dating ranking na 21st noong nakaraang taon, pumasok na siya sa Magic 12.

Si Mark, tahimik lang kasi pero nakagawa ng dambulang infrastructure project sa buong bansa. Binago ni Mark ang pagtingin ng publiko sa DPWH.

Tama iyong commercial niya, habang tayo’y tulog, naghahalo pala ng semento si Mark.

***

Napahiya ang mga bumatikos sa kaldero ng Sea Games.

Panay daldal nila ng anomalya laban kay former Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa iconic cauldron sa Clark na overpriced daw, iyon pala, pribadong sektor ang nag-sponsor at gumastos.

Kahit singko pala ay walang gastos ang gobyerno, ngumalngal agad sila!

Yan ang sinasabi ko sa mga masyadong mabilis mag-react nang walang batayan, napapaso!

***

Hello IATF, maawa kayo, buksan nyo na lahat ang negosyo dahil marami nang nagugutom.

Ipatupad lang ang istriktong health protocols pero ibalik nyo na sa trabaho ang ating mga kababayan.

Wala nang ayuda, baka mamatay na sa gutom ang mga kababayan nating gusto nyong sagipin sa COVID!

***

Mataas daw pala ang porsiyento ng mga nanganganak kapag September at October sabi ng Philippine Statistics Authority.

Karamihan daw sa mga batang isinisilang sa ganitong buwan ay “ginawa” sa panahong malamig ang paligid ng Disyembre at Enero.

Hello October, birth month ko na ito.. Winter baby pala ako!

***

Simula na ng filing ng COC kahapon, Oktubre 1.

Huwag basta boto nang boto sa mga kandidato, kilatisin muna sila mabuti kung gusto natin ng maayos na republika.