Mga maling tsismis sa show ni Coco

April 10, 2022 Aster Amoyo 113 views

MULING na-break ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ang live viewership record noong Biyernes kung saan lumabas na sa kanyang pagtatago si Cardo (Coco Martin) at hinarap ang kanyang mga kalaban, kung saan involved ang presidente at ang impostor nito.

Big hit sa online viewers ang maaksiyong episode na napapanood sa Kapamilya Online Live at sa YouTube livestreaming ng ABS-CBN.

Ang concurrent viewers sa streaming ay umabot sa 180,000—all time high—ayon sa producer na Dreamscape Entertainment.

Ang dating record ay 173,000 noong February 3m sa episode titled “Rambol” kung saan nagsuntukan ang grupo ni Cardo at Samuel (Michael Flores).

Ang action serye ni Coco ay paborito ng mga fans. Nasa ikaanim na taon na ito on TV pero lalo pang dumarami ang viewers.

Gustung-gusto raw ng audience pag may matinding bakbakan na nagaganap kina Cardo at sa kanyang mga kalaban. Tumataas daw ang viewership basta may labanan na involve.

Laging may tsismis na lumalabas na up to this month na lang daw ang programa ni Coco at ending na raw ito. Pero naman sablay ang tsismis dahil lagi naman itong nae-extend.

Basil may ginagawa two weeks bago ang concert

SA presscon ng upcoming concert na “Love and Light” na gagawin sa April 30 sa Newport Performing Arts Theater ay binanggit ng OPM icon at balladeer na si Basil Valdez that he recently turned 70.

Sinabi rin niya na 45 years old na ang album niyang “Ngayon at Kailanman” na dapat sana ay ipagdiriwang nila ni Maestro Ryan Cayabyab ang anniversary pero inabutan ito ng pandemic.

He is looking forward sa concert nila ni Jamie Rivera dahil parang pasasalamat niya ito for being still alive kahit nagkaroon ng pandemic. May mga friends and loved ones daw siya na nawala during the pandemic.

“That we are still alive despite the pandemic is a blessing,” wika ng hitmaker na kilala sa mga awitin niyang Kastilyong Buhangin, Ngayon at Kailanman, at Hanggang sa Dulo ng Walang Hanggan.

“If I can approximate the performance I had two years ago, I’d be happy,” wika pa ni Basil.

When asked kung anong paghahanda ang ginagawa niya for the concert, Basil said na he starts vocalizing two weeks before the concert.

Expect daw natin na may mga inspirational songs siyang aawitin sa “Love and Light.”

Ang concert ay produced ng Full House Theater Company in cooperation with NY Entourage Productions. Musical direction by Adonis Tabanda and directed by Marvin Caldito.

AUTHOR PROFILE