Dolls

Mga laruang may buhay, kapupulutan ng aral sa ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’

August 13, 2022 People's Tonight 282 views

Sanib-pwersa ang apat na Kapuso stars para sa pinakabagong offering ng GMA award-winning weekly anthology show na Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Agosto.

Tampok sa episode na pinamagatang Madaldolls sina Sanya Lopez bilang Bubbles, Ashley Ortega bilang Blondie, Rodjun Cruz bilang Super Stan at Hannah Precillas bilang Carrot.

Bibida rin sa makulay at magical episode na ito sina Tina Paner bilang Au, Crystal Paras bilang Luna, Vince Crisostomo bilang Zac, Lia Salvador bilang Rina at Roxie Smith bilang Steph.

Nitong August 7, nakilala na ng Kapuso viewers si Rina na may-ari ng manikang si Bubbles.

Itinuturing niya itong best friend na saksi sa nararanasang pambu-bully ni Rina.

Dahil affected si Bubbles sa mga nangyayari, bigla itong nabuhay na parang tao.

Paano magbabago ang buhay ni Rina ngayong nakapagsasalita at nakagagalaw na ang manika na kanya ring matalik na kaibigan?

Subaybayan ang fresh episodes ng Daig Kayo Ng Lola Ko: Madaldolls tuwing Linggo, 7 p.m., sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE