Default Thumbnail

Mga kotse, ukay-ukay nalambat ng CIIS-MICP

May 30, 2021 Vic Reyes 312 views

Vic ReyesAPAT na pinaghihinalaang puslit na sport cars ang kinumpiska ng BoC sa MICP noong Mayo 26.

Nagkakahalaga ng P10 milyon, ang mga sasakyan ay galing ng Japan.

Ang shipment ay naglalaman daw ng auto spareparts pero nang buksan ang kargamento, nakita ang mga sasakyan at 40 bales ng ukay-ukay.

Inalerto ang kargamento pagkatapos na makatanggap ng derogatory information ang MICP-CIIS.

Ang consignee ay ang JLFDM Consumer Goods Trading.

Ang mga kinumpiskang sasakyan ay isang Porsche Boxter sports car, isang Mercedes Benz SLK sports car at dalawang toyota MR-S sport cars.

Merong “oplan tsikot” ang MICP-CIIS para mapigilan ang vehicle smuggling.

Very good!

Aminin man nila o hindi, marami talaga ang nag-aabang sa mga mababakanteng puwesto sa gobyerno.

Inaasahan kasing may mga appointed government official na kakandidato sa darating na eleksyon.

Kapag sila’y kumandidato, kailangan nilang mag-resign sa kani-kanilang puwesto.

Ito naman ang inaabangan ng mga gustong pumalit sa kanila.

Maraming gustong kumandidato dahil ibang usapan kung ikaw ay isang halal ng bayan.

Hindi ka basta matatanggal sa puwesto.

Hindi kagaya ng isang appointed government official na puwedeng sipain kahit anong oras.

Lalo na ngayon at may isang taon na lang si Pangulong Duterte.

Kaya naman karamihan sa nakapuwestong opisya ay gustong maging senador, congressman, gobernador o mayor.

Sa mga nag-aabang ng mga mababakanteng puwesto, good luck sa inyo.

Sa mga nag-aabang na mababakante ang top post sa aduana, sorry na lang kayo.

Sa tingin natin ay walang interest si Sir Jagger sa politika.

***

Karamihan sa atin ay nakatuon ang pansin sa bakuna laban sa COVID-19.

Hndi kaya mas mainam kung kasabay nito ay gastusan ng gobyerno ang pagtuklas at pag-develop ng mga epektibong gamot sa COVID-19?

Iba syempre kung meron tayong mabibiling gamot sa mga botika.

Lalo na’t hindi naman pala siguradong hindi na tayo kakapitan ng virus na ito kapag bakunado tayo.

Ang nangyayari ay nauubos ang pera natin sa pamimili ng mga bakuna sa labas ng bansa.

Ang binubusog natin ay ang mga dayuhang gumagawa ng bakuna.

Kawawa na naman tayong mga pinoy.

Nagpapa-alila na nga tayo sa ibat-ibang parte ng mundo, lalo na ang ating mga kababaihan, pati bakuna ba naman ay magmamaakawa pa tayo?

Marami tayong magagaling na scientists at researchers.

Alagaan natin sila para hindi na sila mangibang-bansa para magtrabaho.

Mas kailangan natin sila ngayon!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE