Default Thumbnail

Mga kontrabando timbog sa CIIS, ESS, X-Ray, PCG

May 9, 2021 Vic Reyes 333 views

ANG isa sa mga paboritong ipinupuslit sa bansa ay sigarilyo.

Hindi na ito nakakapagtaka dahil sa mataas na “sin taxes.”

Ang pagpataw ng mataas na buwis sa sigarilyo at alak ay naglalayong “i-discourage” ang paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Ayon sa mga doktor at eksperto ang sigarilyo at alak ay masama sa kalusugan ng tao.

Pero hindi natigil ang ang dalawang bisyong ito.

Noong Biyernes nga ay nakahuli na naman ng mga taga-Port of Manila (PoM) ng isang 40-footer container na may lamang “misdeclared” na sigarilyo.

Galing ng China, ang kargamento ay idineklarang naglalaman ng paper products.

Naka-consigned sa Micastar Consumer Goods Trading, ang kargamento ay nagkakahalaga ng P20.37 milyön.

Ang kontrabando ay dumating sa PoM noong Mayo 2, pero idinaan ito sa 100 percent physical examination dahil sa suspicion na naglalaman ito ng mga ipinagbabawal na produkto.

Pagkatapos nito ay nag-isyu si PoM District Collector Michael Angelo Vargas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa kargamento.

Sinabi pa ni Vargas na ang pagkakasakote ng mga sigarilyo ay bunga ng magandang ugnayan ng CIIS, ESS, at XIP.

****

Sa Manila International Container Port (MICP) naman ay may mga nakumpiskang iba’t ibang puslit at pekeng imported goods.

Nakita ng mga taga-CIIS, ESS at PCG ang mga produkto sa isang storage facility.

Ininspeksyon ng composite team ang facility sa bisa ng Letter of Authority na pirmado ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Ang mga nasakoteng produkto ay kinabibilang ng cosmetic/beauty product, face mask, face shield, damit, laruan at celfon cases.

Banta sa kalusugan ng publiko ang pagkalat ng mga pekeng imported goods.

Lalong-lalo na ang mga face shield, maskara at produktong pampaganda.

Baka kaysa makatulong ang mga maskara at face shield ay mapasama pa ang gagamit ng mga ito.

May pandemya na, may mga mandurugas pa.

Dapat makulong ang mga mandurugas na ito.

Tama ba kami, Senator Bong Go?

****

Inilunsad kamakailan ng Bureau of Customs ang kanilang call center hotline.

Ang proyekto ay “in partnersip with digital minds BPO Services, Inc.”

Ang Digital Minds ay isang kumpanya “that caters to business process outsourcing for the US and Australia.”

BoC ang unang local government agency na seserbisyuhan ng Digital Minds.

Ang pagkuha sa serbisyo ng kompanya ay nagpapakita ng kagustuhan ng BoC “to reform, transform ang perform,” ayon kay Commissioner Rey Guerrero.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa 0921-4765430/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE