
Mga konserbatibo nalaswaan sa pantasya ni Ivana
Napa-‘oh, my God’ ang netizens pati na rin ang kapwa-celebrities sa latest sexy photo ni Ivana Alawi na ipinost niya sa kanyang Instagram.
Makikita kasing hubo’t hubad ang aktres/content creator at natatakpan lang ng manipis na string ang kanyang butt.
Wala rin siyang suot na bra pero naka-side view naman siya kaya ang makikita lang ay ang side ng kanyang isang boob.
Ang caption lang na nilagay niya ay “My fantasy.”
As expected, nag-apoy ang comment section sa kanyang very daring photo.
Komento ni Alexa Ilacad, “OH MY GOD woooooooooow you’re literally so beautiful.”
Reaksyon naman ni Zeinab Harake, “Ow my queen.”
Bagama’t marami ang nag-enjoy at nagpista ang mata sa pasabog ni Ivana, mayroon pa ring mga konserbatibo na nalaswaan sa larawan.
May isa pang netizen na nagtanong kung bakit kailangang gawin ito ng aktres gayung nasa kanya na ang lahat.