Guess

Mga kamag-anak ng aktres, tutol sa binalikang actor-BF

February 23, 2024 Vinia Vivar 91 views

CLUELESS ang mga kamag-anak sa father side ng isang aktres na nabalitang nakipagbalikan sa kanyang actor-boyfriend.

On and off kasi ang relasyon ng dalawa kaya itong pagbabalikan nila, naalarma ang malapit na kamag-anak ni girl.

“Kailangan ko siyang (babae) makausap,” sabi ng kamag-anak ng aktres, ayon sa aming source.

Itong aktor kasi, kung sino ang aktres na makapareha, nakakagawa siya ng paraan upang mapaibig ito. Ngayong ibang aktres naman ang kapareha sa ginagawang series, pinatos niya ‘yon kahit na nga may BF ang pinatulang aktres na hiwalay na sa actor-BF.

May image kasi itong aktor na parang bubuyog na kapag may nadapuang bulaklak at masimsim ang tamis nito, iniiwan sa ere, huh!

Kaya hanggang ngayon, wala pa rin itong asawa pero may anak sa unang babaeng nakarelasyon niya.

Sa totoo lang, parang hindi boto ang ilang kamag-anak ng aktres sa actor-BF niya, huh!

AUTHOR PROFILE