Kapamilya

Mga Italyano at iba pang foreigners nagpapa-picture sa mga Pinoy actors sa Roma

June 2, 2023 Eugene E. Asis 436 views

Kapamilya1Kapamilya2TULUY-TULOY na ang shooting nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, Jake Cuenca, at Albert Martinez ng action packed scenes sa hit aksyon serye ng “The Iron Heart” sa Italya.

Nitong Linggo, tumulak ang cast at crew ng show para magpamalas ng malalaking eksena sa iba’t ibang parte ng Roma. Nagpost naman ang Star Creatives ng konting pasilip sa kanilang shooting doon.

Bukod sa behind the scenes footage, nakihalubilo rin sina Richard, Ian, at Jake sa mga Italyano at iba pang foreigner at turista na nakipagpicture sa kanila.

Samantala nitong Martes ay nasungkit ng programa ang kanilang panibagong all-time high viewership record na 304,208 views. Inaabangan nga ng manonood kung ano ang sasapitin ng mga karakter nina Richard at na sina Apollo at Eros at kanilang grupo matapos ang sunod-sunod na pagharang ni Priam (Albert Martinez) sa kanilang planong pagpapabagsak ng kanyang ‘The Iron Heart’ project.

AUTHOR PROFILE